Posts

Showing posts with the label DZRH

Isang DEKADA ng PAG-ASA at PAKIKIBAKA - An Amazing Story of Thinking Pilay

Image
Tatlong Dekada na pala ang narating ng Thinking Pilay Host na si Vincent Torre Bongolan. Tatlong dekada na punung-puno ng Pag-asa at pakikibaka. CLICK BELOW TO WATCH MY BIRTHDAY CELEBRATION  Dumaan sa samu't-saring pagsubok ngunit nakayanang lampasan ang dilim ng nakalipas at masilayan ang bagong liwanag. ( REQUEST: Please click the Photo to join my advocacy to help PWD and under-privileged Family and Individuals) ISANG INSPIRASYON Katulad ng mga ordinaryong mamamayan, si Thinking Pilay ay mula sa isang mahirap na pamilya sa Bayan ng Dilasag, Lalawigan ng Aurora . Bagama't guro ang kanyang ina at alagad ng batas naman ang kanyang ama ay masasabing kabilang pa rin sila sa mga pamilyang naghihirap. Walang kuryente sa Bayan ng Dilasag ng sila ay lumipat mula sa Lalawigan ng kanyang ama - Nueva Ecija.  Naaalala ko pa noong kami ay mga bata pa lamang, tanging ilawang de-gaas ang nagsisilbi naming liwanag kapag nag-aaral kami ng aming mga aralin. Bahay