Isang DEKADA ng PAG-ASA at PAKIKIBAKA - An Amazing Story of Thinking Pilay

Tatlong Dekada na pala ang narating ng Thinking Pilay Host na si Vincent Torre Bongolan. Tatlong dekada na punung-puno ng Pag-asa at pakikibaka.


CLICK BELOW TO WATCH MY BIRTHDAY CELEBRATION 




Dumaan sa samu't-saring pagsubok ngunit nakayanang lampasan ang dilim ng nakalipas at masilayan ang bagong liwanag.

(REQUEST: Please click the Photo to join my advocacy to help PWD and under-privileged Family and Individuals)



ISANG INSPIRASYON

Katulad ng mga ordinaryong mamamayan, si Thinking Pilay ay mula sa isang mahirap na pamilya sa Bayan ng Dilasag, Lalawigan ng Aurora.

Bagama't guro ang kanyang ina at alagad ng batas naman ang kanyang ama ay masasabing kabilang pa rin sila sa mga pamilyang naghihirap.

Walang kuryente sa Bayan ng Dilasag ng sila ay lumipat mula sa Lalawigan ng kanyang ama - Nueva Ecija. 

Naaalala ko pa noong kami ay mga bata pa lamang, tanging ilawang de-gaas ang nagsisilbi naming liwanag kapag nag-aaral kami ng aming mga aralin.

Bahay na yari sa pawid ang bubong ang aming tirahan. Tuwing may bagyo ay para kaming nakikipag-patintero sa mga bunga ng niyog na nalalaglag at lumulusot sa aming bubong na pawid. Ang bayan kasi namin ay daanan ng bagyo na halos linggo-linggo ay may bagyo. Kadikit ito ng Casiguran Aurora.

Ang aming paliguran noon ay may takip lamang na sako. Madalas ay doon nalang ako naliligo sa isang papag na inilagay sa tabi ng paliguan dahil hindi rin naman sementado ang loob at tiyak na ako ay madudumian din dahil ako ay hindi naman nakakalakad at lagi lamang nakasalampak sa sahig kaya ang aking paliguran ay tanging sa labas ng aming bahay na lamang.

Hirap din ako sa pagbabawas ng dumi dahil ang aming palikuran (Kubeta) ay nakatayo lamang sa likod ng aming bahay. Gawa ito sa isang malalim na hukay na tinakpan ng mga kahoy na may maliit na siwang upang doon maupo kung natatae. May takip na sako ang pinakang pinto nito. Dahil ito ay nasa likod-bahay, ito ay napapalibutan ng mga puno, mga halaman, mga damo at gulay kaya minsan ay nakakatakot dahil baka may lumusot na sawa sa paligid nito o sa mismong butas ng palikuran.

Taong 1991, nang maganap ang pinakamalakas na lindol sa kasaysayan at kitang-kita kong unti-unting nagkakalamat ang mga dingding ng aming room dahil ang lahat ay nagsitakbuhan palabas samanatalang ako ay naiwan sa loob na hindi alintana ang panganib.  Madalas din akong maiwan at makandaduhan sa loob ng aming room dahil kapag tapos na ang klase, naiiwan ako at hinihintay na lamang ang aking sundo. Upang hindi ako mayamot ay nakaugalian ko ng maglaro sa loob sa loob o ilalim ng aming table. Minsan isang araw, nagsiuwian na ang lahat at ako naman ay naiwang naglalaro sa ilalim ng class table, hindi ako napansin ng aking guro at inakalang nasundo na ako ng aking tatay kaya ikinandado ni niya ang aming room.

Dahil sa aking kapansanan, hirap na hirap ako sa tuwing ako ay naiihi dahil pinipigilan ko ito sa abot ng aking makakaya at hinihintay ang oras ng uwian. May pagkakataong ako ay natatae rin subalit kailangan kong pigilan. Isang araw hindi ko na talaga mapigilian  ang pagdumi kung kaya't ito ay lumabas mabuti nalang at patapos na ang klase sa katanghalian.

Sa takot na mapagtawanan, ginapang ko pauwi ang aming bahay. Mula sa aming room ay gumapang ako sa likuran ng aming paaralan upang walang makakita sa aking paggapang. Dumating ako sa bahay na duguan ang aking tuhod at braso sa gasgas ng semento, pudpod ang mga kuko. tirik din ang araw ng araw na yaon kung kaya't sobrang init ng mga bato na tiniis ko upang maka-iwas lang sa katatawanan.

Graduating naman ako ng Elementarya ng mawalan ng trabaho ang aking ama. Dito kami lalong naghirap at nabaon sa pagkakautang. Walang magawa ang mga magulang ko kundi mangutang ng mangutang upang mayroon kaming pang araw-araw na pangkain. Dumating yung oras na halos lugaw nalang ang aming kinakain sa araw-araw at ilang buwang tuyo ang aming ulam. Dito ako nagkaroon ng allergy sa alat na sa tuwing kumakain ako ng maalat napagkain ay namamaga ang aking labi. Madalas at tampulan kami ng pag-alipusta, katatawanan at ginagawang sentro ng mga tsismis. Madalas dalhin sa barangay ang aming mga magulang dahil na rin sa kawalan ng pambayad sa utang.

Tanging pagluhod sa altar at paghingi sa Panginoon ng gabay ang tanging nagagawa ng aming mga magulang. Bilang isang dukha at sa pagiging bata, wala akong magawa kundi ang makinig sa hinaing ng aking magulang dahil wala rin naman akong kakayahang tumulong dahil ako ay bata lamang.

Itinanim ko sa aking puso at isip na magsisikap ako kahit ako ay may kapansanan. Hindi habang panahon kami ay ganito. Kung kayat pinagbuti ko ang aking pag-aaral.

Nag-aral ako sa kolehiyo na tanging bahay-paaralan lang aking araw-araw na ginagawa. Malapit lang aking tinitirhan sa SM mall pero hindi ko ito kailanman binisita sa loob ng apat na taon ko sa kolehiyo. Tumira ako sa riles ng tren noong ako ay nag-aaral pa lamang. Madalas din ay absent ako kung umuulan dahil sa hirap tumawid palabas ng riles. Makitid kasi yung daanan at madulas pa. Kung malusutan mo naman yung siwang sa riles ay tiyak hindi ka rin makaka-akyat sa itaan ng PUP dahil basa ang hagdan paakyat. Sa 6th floor kasi ang aming classrooms. Sira rin ang elevator.

Naging working student ako noong nasa kolehiyo ako. Nagtrabaho ako sa isang credit card company. Tuwing mahaba ang break sa susunod na klase ay nasa trabaho naman ako. Upang tustusan ang aking pag-aaral, ay sinalihan ko ang lahat ng mga patimpalak sa PUP at ang napapanalunan ko ay sakto ng pangkain. Minsan kasi bukod sa trophy ay may cash din itong kasama. Lahat ng patimpalak ay aking sinasalihan. Second Year college ako ng manalo ako ng Cellphone - Nokia 3350.  Sa pagsali-sali ko sa mga timpalak, dito ko nakilala ang isang Dekano sa isang kolehiyo - Mrs. Cecilia M. Austero. Hindi ko makakalimutan ang taong ito dahil mula ng makilala ko siya, sa kanya ako nanghihingi ng payo. Siya yung nagbibigay sa akin ng payo at minsan inilalapit niya ako sa kanyang mga kaibigang may kaya na siya namang nagbibigay sa akin ng tulong pang-pinansiyal.

Ang pag-apply ng trabaho ay hindi rin naging madali sa akin, dahil sa loob ng apat na taon, hindi ako sumasama sa aking mga kaibigan sa kanilang mga gala at pamamasyal kaya hindi ko alam kung papano sumakay sa jeep at hindi ko rin alam kung papano papaunlakan ang mga imbitasyon for an interview. Salamat sa aking matatalik na kaibigan - Joseph M. Tagayun, Ma. Zaida Liwanag at Rosalyn Rosal. Salamat sa mga panahon at sa mga susunod pang mga panahon.  

Sa oras din talaga ng kagipitan, mayroon at mayroon din naman palang tatagal at sasama sayo sa hirap at kasiyahan. Sadyang hindi ko rin naman makakalimutan ang mga tulong ng aking kaibigan - Richard M. Mabato. Sa kanyang maybahay - Mariel A. Mabato - isang taos-pusong pasasalamat. Sa tagal ng aming pagkakaibigan, masasabi kong isang pamilya na ang aming turingan. Salamat kaibigan. Sa

Tatlong buwan halos kasama ko sila sa tuwing nag-aapply ako ng trabaho. Lagi kaming TAXI noong una, subalit di nagtagal ay sinubukan namin sumakay ng jeep kapag nag-aapply ng trabaho. Dumating yung time na nagkaroon na sila ng trabaho at ako ay naiwang naghahanap. Labis-labis ang aking pagkalungkot dahil nawawalan na ako ng pag-asang magka-trabaho dahil sa aking kalagayan.

Isang gabi, nagmumuni-muni ako at nag-iisip kung paano nga ba ako magkakaroon ng trabaho. Hanggang marinig ko sa isang programa sa radyo ang MAGNA CARTA FOR PWD na nagbibigay pagkakataon sa mga katulad kong PWD na magkaroon ng puwang sa mga opisina ng Gobyerno at maging sa mga Pribadong kumpanya. Kinaumagahan, maaga akong nagtungo sa Department of Labor - National Labor Relations Commission upang alamin ang aking karapatan. Ito ang aking unang trabaho.

Lumipas ang isang taon, isang kumpanya ang tumawag sa akin at nag-offer ng isang trabaho at dali-dali kong pinaunlakan ang interbyu. Nagpasama ako sa aking Nanay na punatahan ang kumpanya. Hindi ako nabigo at ito ang aking naging pangalawang trabaho. 

Taong 2005 ng imbitahan ako ng Philippine Daily Inquirer na ilahad ang aking buhay at karanasan bilang PWD lalong lalo na sa paghahanap ng Trabaho.

Sa pamamagitan ni Ms. Ruth Floresca na siyang sumulat ng artikulo ay inilahad ko ang aking mga naging karanasan mula ng ako ay magkaroon ng Polio at kung papano ko nilabanan ang matinding diskriminasyon.

Kung papano ko inumpasahan ang aking career. Mga karanasan sa paghahanap ng trabaho, sa mga interview invites at kung ano-ano pang bagay na sumubok sa aking kakayahan.

Lumipas ang halos dalawang linggo, tinawagan ako ng isang consultant from ANCILLA enterprises upang ipaalam sa akin kung may pahintulot daw ba ang ang DZRH mula sa akin upang isa-radyo ang aking buhay pakikipag-sapalaran sa paghahanap ng trabaho. Nagulat ako dahil ayon sa kanya, isang linggo daw umere ang programa na ang mga host ay sina DEO MACALMA at RUTH ABAO ESPINOSA. Dahil wala naman akong ideya sa mga katulad na bagay, sinabi kong wala at okay lang naman din sa akin kung sa tingin nila ay makakabuti para sa nakararami o taga-pakinig.

2005 din ng imbitahan ako ng DZRH na  dumalo sa kanilang live broadcast. Isang linggo matapos ang pagsasadula. Ito ay upang bigyang patotoo na ang drama ng aking buhay ay totoo.

Lumipas pa ang mga taon, nagpalipat-lipat ako ng trabaho at habang nagta-trabaho ay kumuha ako ng LAW sa PUP. Mula sa  Kumpanya sa UN Avenue ay dali-dali akong umuwi after office hour upang dumiretso sa school. Ilang beses akong nahuhulog sa JEEP, sa BUS ngunit sa awa ng panginoon, ay nalampasan ko ang mga iyon.

Sa ngayon, isa na akong DATA SCIENTIST sa isang malaking kumpanya. Masasabi kong nakuha  ko na ang trabaho na pinangarap ko mula ng ako ay magtapos sa Kolehiyo.


VINCENT TORRE BONGOLAN
Digital Data Engineer Associate Manager | Data Scientist
vincent.t.bongolan@accenture.com


Kung aking ikukuwento ang mga naging buhay at pakikipag-sapalaran ko sa tatlong Dekada ng aking buhay, marahil kulang ang isang araw o linggo upang isalaysay ito.

Isa lang ang aking maibabahagi sa mga mambabasa, ano man ang suliraning inyo kinakaharap, hindi solusyon ang pagpapakamatay, hindi solusyon ang paggawa ng masama katulad ng pagnanakaw upang mabuhay lang. Hindi solusyon ang paggawa ng masama.

Gawin mo lang tama sa Batas ng Tao at sa gawin mong gabay ang mga kabutihang turo ng Panginoon.

Tanging pagsisikap lang ang solusyon.


Please join my page at samahan ninyo akong ipagtanggol ang ating mga karapatan.




Sa mga nangangailangan ng kaunting payo sa kanilang problema sa Birth Certificate:  Please JOIN and BE my YOUTUBE SUBSCRIBERS FOR MORE INFORMATIVE ARTICLES AND NEWS







Comments

Popular posts from this blog

Ways to Correct Errors in Birth Certificate

Time for Staycation: A Time To Pamper Ourselves after Long Days of Working.

COMIDA CRAVINGS FOOD SHOP