LTFRB - The Case of UBER and GRAB Ride Sharing Accreditation
DEAR LTFRB, Ako po ay isang PWD na gumagamit ng saklay mula noong ako ay bata pa. Isinilang ako buhat sa isang maralitang pamilya sa Lalawigan ng Nueva Ecija. Sinikap makapagtapos ng pag-aaral upang kahit papano ay maka-ahon sa kahirapan. Mula kolehiyo, transportasyon na ang isa sa mga prayoridad ko sa paghahanap ng bahay na titirhan, kung gaano ito kalayo sa paaralan na aking papasukan, kung gaano ito kalayo sa palengke upang madali akong makapamili, kung gaano kalayo sa Malls for my needs. Dahil sa kakulangan ng pagpapatupad ng Batas for Transportation, I decided to look for a place na kaya lamang lakarin. I still remember mula sa Polytechnic University of the Philippines patungong SM Sta. Mesa, instead na sumakay ako ng JEEP papuntang SM ay nilalakad ko ito sa takot na baka mapahamak at malaglag ako sa Jeep dahil sa mga walang pusong Jeepney Drivers. After Graduation, panibangong pakikipag-sapalaran ang aking kinaharap. Dahil sa iba't ibang lokasyon an...