LTFRB - The Case of UBER and GRAB Ride Sharing Accreditation
DEAR LTFRB,
Ako po ay isang PWD na gumagamit ng saklay mula noong ako ay bata pa.
Isinilang ako buhat sa isang maralitang pamilya sa Lalawigan ng Nueva Ecija. Sinikap makapagtapos ng pag-aaral upang kahit papano ay maka-ahon sa kahirapan.
Mula kolehiyo, transportasyon na ang isa sa mga prayoridad ko sa paghahanap ng bahay na titirhan, kung gaano ito kalayo sa paaralan na aking papasukan, kung gaano ito kalayo sa palengke upang madali akong makapamili, kung gaano kalayo sa Malls for my needs.
Dahil sa kakulangan ng pagpapatupad ng Batas for Transportation, I decided to look for a place na kaya lamang lakarin. I still remember mula sa Polytechnic University of the Philippines patungong SM Sta. Mesa, instead na sumakay ako ng JEEP papuntang SM ay nilalakad ko ito sa takot na baka mapahamak at malaglag ako sa Jeep dahil sa mga walang pusong Jeepney Drivers.
After Graduation, panibangong pakikipag-sapalaran ang aking kinaharap. Dahil sa iba't ibang lokasyon ang aking mga inaplayan, I have no choice kundi sumakay ng TAXI. The minimum Taxi Fare ranges from 125 that time for one-way trip. How about going home? It's another 125 pesos. For one company interview, I need to prepare at least 300 pesos. Wala pang pangkain doon just in case abutin ako ng LUNCH sa interview.
When I landed a Job, I have no choice kasi I need to try yung Jeep. From Sta. Mesa to Santol extension. From Galas to Quezon City, nilalakad ko na lang kasi ang pamasahe sa Tricyle that time is nasa 40 pesos one-way for special trip and 15 pesos kung me kasama ka. Kung daily ako mag tricycle plus lunch, abonado pa ako sa aking sahod. Better to stay at home. Kaya mula Galas to Quezon city nilalakad ko nalang para maiwasan yun pagbabayad ng tricycle. I stayed for 1 year sa kumpanya.
Next is I moved to UN Avenue. Bus transport ang sinasakyan ko from Sta. Mesa to UN Avenue at bumababa ako sa Philippine Normal University(PNU), then nilalakad ko nalang mula PNU patungong UN Avenue. There are instances na nahuhulog ako sa Bus kasi minsan na likod ang Konduktor at hindi ako ma-assist. Diko pa masyadong madiskartehan kung papano ko hahawakan ang tungkod ko habang bumababa kasi I also need na humawak sa pinto ng Bus kaya minsan nahuhulog ako at nadadapa sa pagbaba ng Bus.
Pag-uwian naman, sumasakay ako ng Jeep mula UN Ave to Quiapo, noon sa likod ako sumasakay kasi madalas akong mahulog sa likod. Di pa ako nakakababa umaabante na ang mga Jeep kaya semplang ang madalas kong maranasan. Kaya sinubukan kong sumakay sa harapan ng Jeep upang makita ako ng driver. Ang naging sumunod na problema ko naman, madalas me sakay na sa harap, kaya naghihintay ako ng jeep na walang sakay sa harap at dapat stop light kasi kapag umaandar ang traffic lights, nagmamadali ang jeep at papamadaliin ako ng driver sa pagskay, "Bilis, bilis, huhulihin na ako".
Minsan pa naka-angat na pwet ko sa upuan pero di pa masyadong nakakasakay, eh umaarangkada na ang jeep kaya nga madalas akong mahulog sa sasakyan.
The same case ng lumipat akong trabaho, sa unahan ako sumasasakay at hinihintay ko ang stop light at umaasa na ang matatapat sa paghinto ng sasakyan ay walang laman na pasahero. Tendency mula sa uwian kong 6pm, minsan nakakasakay ako ng 11pm. Halos 5 oras ang inilalaan ko sa paghihintay ng sasakyan. Tumagal ako sa Arellano University ng 6 na taon at ang sitwasyon na katulad nito ay napag tiyaghan ko. May isang student noon na nagmalasakit sa akin, pinakiusapan ang isang pasahero na lumipat sa likod upang ako ay makasakay sa harap. Jose Anthony Imperial. Siguro noon lang nya ako nakita, but I've been doing this for the past 6 years.
When I moved to EDSA Boni, jeep din yung transportation and siguro immune na ako sa laging magkahulog sa sasakyan.
Kapag maulan, kapag medyo masama ang pakiramdam ko, kapag sumasakit ang mga binti ko, taxi is my 2nd option.
Experiences ko sa Taxi:
1. Sir, pauwi na ako kasi akala ko lang pareho tayo ng way kaya huminto ako sayo.
2. Sir, pasensya na po natatae ako, nagmamadali lang.
3. Kapag nakasakay na, "Sir, matraffic po doon, saka wala na ako pasahero pabalik, magdadag nalang kayo ng 50 pesos.
4. Sir, malayo po doon, dagdag na lang kyo.
I can't imagine yung mga ganitong inconvenience noon.
NOW, there's an UBER and GRAB ride-sharing application. Malaking tulong anf naibibigay ng mga ride-sharing application na ito.
1. Susunduin ka sa pick-up location mo.
2. Sisiguraduhin ng driver na maihatid ka destination mo sa pinaka mabilis at safety na paraan dahil bilang ng naihahatid ang punto nila to receive an incentives. Para maiwasan yung idadaan at papatagalin ng driver ang trip mo. Unlike Taxi, papaikut-ikutin ka sa iba't ibang eskinita para humaba at tumaas ang babayaran mo.
3. Hindi ka nila tatanggihan kaya makakasiguro kang makakauwi ng maayos.
4. Since registered ang Driver at Operators ng sasakyan, you will feel safe.
5. Yung paghingi ng dagdag pasahe ay maiiwasan.
6. Discount for PWD is automatic by just encoding the information sa dashboard ng Rider. future ride is automatically adjusted based on discounted fare.
7. Mas mura nag pamasahe.
Now, the current situation. Noong dumating sila sa Pilipinas, trabaho ang ibinigay nila sa Atin. A lot of private people na may sasakyan ay kumikita ng malaki higit sa kanilang daily wage sa opisina.
Of course, bilang pagsunod sa inyong mga itinakdang Rules and Regulations, hiningan nila ng mga requirements ang mga operators at peers para ma-accredit ang mga sasakyan na ipapahiram sa Grab at UBER, subalit halos every WEEK, Evey Month, may bago kayong rules at requirements. But with the help of Quisumbing Office, isinasa ayos ng mga ride-sharing yung mga requirements para umayon sa tamang procedures kasi nakakalito na kayo sa pabago-bagong requirements every month.
Mula ng mag umpisa sila Pilipinas, naka ugalian na ninyo ang pagpapalabas ng buwanang memorandum at requirements. Sinong hindi malilito sa mga requirements ninyo. Isang forms palang ilang pages na na, kailangan pang notarized.
Kaya dumami ang mga walang PA o CPC dahil nalilito na sila kung ano ba ang dapat isumite sa inyo at sino ba ang mag aayos ng mga bagay na yun - Si ride sharing ba or si operator.
Nagyon, aside from Quisumbing, meron ng Price Cooper na tumutulong sa pagsasaayos ng mga kinakailangang dokumento to get PA/CPC, however, there's also disconnect in this process.
Sa Dashboard ng Operators/peers, hindi sapat na i-attached nila ang OR/CR/ NBI, etc kasi hindi rin automatic na makukuha ito ng Price Water Cooper para i-process sa LTFRB. Kaya yung mga operator na ang alam lang is i-attached sa dashboard ang requirements, ang akala nila waiting nalang ng PA/CPC, hindi nila alam na natutulog yung application process.
Kaya nagiging dahilan kaya marami ang mga walang PA/CPC.
I understand na gusto ninyong maibsan ang traffic situation sa bansa, but prohibiting UBER/GRAB to operate is NOT a solution for the improvement of the traffic situation in the country today.
If you want to improve the traffic situation, try these suggestions:
1. Implement the law on Number Coding - There should be no exception even those in the Government or Government Officials.
2. Observe or magtalaga ng tamang BABAAN at SAKAYAN ng mga SASAKYAN. Hulihin at bigyan ng malaking Multa ang mga sasakyang lalabag sa ganitong orders.
3. Hulihin at pag multahin ang mga psaherong makikitang bababa at sasakay sa gitna ng daan at hindi sa tamang babaan at sakayan.
4. Maximize the use of footbridge. katulad noong sa Mandaluyong Supermarket, merong foot bridge pero ang mga tao sa daan parin tumatawid.
5. Pag-aralan ang traffic situation, halimbawa sa EDSA, traffic kapag 9am. Pwedeng huwag padaanin ang mga malalaking sasakyan, yung class 1,2,3 ay dapat tinitingnan.
6. Bigyan ng oras yung pag-alis ng mga sasakyan sa kanilang bahay. Dapat yung mga may plate number na nagtatapos sa 1,2 ay hindi na nakikita sa kalye or nasa destination na ng specific oras, para yung mga plate 3 and 4 naman ang susunod na bibiyahe.
7. Pwede rin naman na MWF ay dapat nasa destination na ang mga may plate na 1 - 5.
8. magkaroon ng traffic advisory kung saan ang mga motorista ay mabigyan ng traffic report na halimbawa traffic na sa EDSA, maaring dumaan sa ganitong lugar upang makaiwas.
9. Implement yung no double parking, kautlad ng sa teresa sa papasok sa PUP. Maliit na nga, double parking pa.
10. Higpitan ang pag-papa approved ng mga sasakyan, dapat may sapat na parking space ang bibili.
11. Madaming BUS transport, at iba pang vehicles ang mga walang prangkisa. - Huwag ituon sa UBER at GRAB ang atensyon.
12. Iwasan ang CORRUPTION sa LTFRB, LTO. Kung ang pangigigpit ninyo sa sa UBER at GRAB ay bunga ng kagustuhan ninyong makahingi sa kanila ay itigil na ninyo yan. Kaso tay rin ang mahihirapan sa huli.
Now, ang point ko dito is bawasan ang mga requirements na ipina aayos sa mga operator para lahat sila ay maging legal. Pag-isipang mabuti ito bago maglabas ng mga memorandum ng hindi paulit-ulit.
I agree na sa dami na ng mga registered cars, siguro tama lang na FREEZE na muna yung mga bagong papasok na mga sasakyan.
Ayaw ko nang bumalik sa TAXI era. Time to Move forward.
PLEASE SHARE......
Comments
Post a Comment