Mga Dahilan Kaya ako Naniniwala sa mga Estudyante ng University of the Philippines na Madalas Mag-rally.

"No To Martial Law"

"No To Cha-Cha"



"No to Federalism"

"Never Again to Martial Law"

Ito ang mga katagang lagi ng naririnig mula sa mga kabataang mag-aaral mula sa University of the Philippines.

Mga batikos agains't the Government. Mga batikos na labag daw sa Constitution ang mga ginagawa at pinatutupad ng kasalukuyang administrasyon.

Ganito rin ang sinisigaw ng Secretary General na si Renato Reyes, mga kagaguhan daw ang ginagawa ng Pangulo ng Pilipinas, kesyo diktaduryal daw ang administrasyong ito ni Duterte.

Naisip ko lang kung dapat ba silang paniwalaan?

Ako ay kumuha ng LAW noong taong 2005, at masasabi kong hindi pala madali ang kumuha nito. 3 beses ko yatang inulit ang PHILIPPINES CONSTITUTION LAW Subject at 2 beses naman ang CRIMINAL LAW.

Dahil dito, noong 2007, naisipan kong itigil ang pagkuha ng law dahil para sa akin hindi ko yata kakayanin ang mag-memorya ng ilang pahina ng iisang aklat palang. Kung simpleng pag-memorya lang, maaaring kayanin kung pagtutuunan ng pansin, ngunit ang pag-aaral ng batas ay hindi lamang sa pag-memorize nito kundi pati na rin ang paghahanap ng mga cases na nahatulan na, mga proof of previous court decisions. Mga patotoo at justifications of the results of the investigations.

Ayun 2007, tuluyan kong kinalimutan ang hangaring maging abogado.

Balik tayo sa mga ESTUDYANTE.

Sila ay hindi pa tapos sa kanilang Undergraduate Degree Courses. 

ANo ba ang kanilang mga kinukuhang kurso? Psychology, Compscie, Politics, Economics?

Ako nga na kumuha ng LAW nahihirapan!!!

Ako nga na nagtrabaho sa Quasi-Judicial Agency of the Government!!!

Ako pa na may background sa LAW, Nahirapan ng todo.

Sila pa kayang mga Undergraduate Degree pa lang.

Ibig sabihin ba nito, they already MASTERED THE CONSTITUTION?

THEY MASTERED THE CRIMINAL LAW?

Sukdulan ba ang kanilang TALINO?

Kayo na ang humusga kung maniniwala ba tayo sa kanila? or Hindi.






Comments

Popular posts from this blog

Ways to Correct Errors in Birth Certificate

Mygz Molino [Actor]: Totoong Pangalan, Family, Education, Showbiz Journey, Movie List

COMIDA CRAVINGS FOOD SHOP