WHAT MAKES YOU THINK YOU WILL LOSE NOW?

Life is not a pure bliss.

It is full of mystery.

It is a lifetime journey.

Every experience is unique. 

There are instances na dumadaan tayo sa iba't ibang uri ng pagsubok. Mga suliraning nagdadala sa atin ng matinding depression at stress sa buhay. 

Mga pagsubok na minsan nagpapabagsak sa ating pananampalataya sa Kanya at minsan pa nasisisi natin ang Panginoon dahil sa dinami-dami ng kanyang nilalang sa mundo, tayo pa ang binigyan ng malaking pagsubok.

Ang ilan sa ating mga kababayan ay hindi na nakayanan ang matinding pagsubok at problema sa buhay. Ang ilan ay nabaliw o nawala sa katinuan ang pag-iisip, ang ilan ay nakagawa ng hindi maganda sa kapwa, ang ilan ay nakagawa ng krimen at pagkakamali at ang masakit pa ay ang kitilin ang sariling buhay.


Hindi rin natin hawak ang ating kapalaran, minsan akala natin nakamit na natin ang rurok ng tagumpay, minsan akala natin successful na tayo, minsan akala natin tapos na ang mga pagsubok sa ating buhay.

Akala ko ganun na ang aking kapalaran, ngunit isang tagpo sa aking buhay ang nagbigay sa akin ng isang aral. Dumating sa punto ng aking buhay na wala na ako makain, na lahat ng aking mga kaibigan ay nahingan ko na ng tulong, maging ang malalayong kamag-anak at kakilala ay akin nang nadaingan, subalit bigo akong iangat ang aking buhay. Dumating sa puntong parang hihilingin ko na lang na sana hindi na ako magising upang mawala ang mga suliraning aking kinaharap.

Isang araw, may nabasa ako tungkol sa katotohanan ng buhay. Kung papano ako nabuhay at kung papano ko narating kung ano ako sa ngayon.


Ito yun, 

Sinasabi sa isang biological study, pagkatapos daw magtalik ng lalake at babae, 200 to 300 millions of sperms and naidedeposit ng lalake sa sinapupunan ng isang babae.

Of the 300 millions sperms, only 300-500 lang ang nakakarating sa kanilang destinasyon.

Itong 300-500 sperms ng lalake ay lumalangoy within the tract to meet with the ovum.

Of the 300 sperms that manage to reach the egg, isa lang ang na pe-fertilize.

This winning one sperm to reach the egg is no less than YOU.

NOW:

WHAT MAKES YOU THINK YOU WILL LOSE NOW?

Maaring ipinanganak kang may kapansanan, walang magulang na kinalakhan, hindi nakapag-aral. Hindi pa rin ito sapat na dahilan upang sumuko.

Isang aral ang aking natutunan, nakipag-compete ka na noon pang nasa sinapupunan ng iyong ina. nakipag-tagisan ng lakas sa milyong sperms upang mabuhay.

Matagal ka nang lumalaban, ngayon ka pa ba SUSUKO?

VINCENT TORRE BONGOLAN


Consultant
Data Scientist
Entrepreneur


For Entreprenurial Advices: Please send your concern to
Statisticsdoctor@gmail.com






Comments

Popular posts from this blog

Ways to Correct Errors in Birth Certificate

Time for Staycation: A Time To Pamper Ourselves after Long Days of Working.

COMIDA CRAVINGS FOOD SHOP