Anong Mangyayari Kapag Hindi Mo Nabayaran ang Isang Credit Card
Ang Pagkakaroon ng CREDIT CARD ay isang opportunity sa mga Credit Cards Holders sa kasalukuyan sa maraming kadahilanan lalo na ang convenience sa pamimili at pagbabayad sa ibang merchants. It's a cashless opportunity to most of us.
Ngunit papano kug hindi mo mababayaran ang mga nagastos mo sa isang Credit Card? Maari ka bang makulong?
Ito ang aking tatalakayin sa aking Blog sa ngayon.
Source: If you click the picture above, you will be redirected to the source article.
ANO BA ANG TAMANG PROSESO
Kung ikaw ay isang Card Holder at nawalan ka ng kakayahang magbayad sa iyong Credit Card for so many reason katulad ng bigla kang nawalan ng trabaho and the opportunity na mabayaran mo ang Credit Card mo ay nawala.
Ano ang gagawin ng Bangko?
Tatawagan ka ng Bangko upang i-remind ka sa mga pagkakautang mo sa Credit Card. There are certain months or palugit na ibibigay sa'yo upang makabayad. Kapag hindi ka nakabayad, idedeclare ka nilang DELINQUENT CARD HOLDER.
BANK REMEDY FOR DELINQUENT CARD HOLDER
Kapag ikaw ay na-tagged na ng Bangko na isang Delinquent Card Holder, IBEBENTA nila ang iyong account sa mga Collection Agency. Ibig sabihin, babayaran ng Collection Agency ang iyong pagkakautang sa Bangko. Ginagawa ito ng Bangko upang maiwasan ang pagkalugi or lost on their parts.
WHAT WILL THE COLLECTION AGENCY DO
Dahil nasa Collection Agency na ang iyong account, wala ng karapatan ang Bangko sa iyong pagkakautang. Ikaw ay bayad na sa iyong pagkakautang. Sa Collection Agency ka ngayon makikipag-usap upang mabayaran ang iyong utang.
Sisingilin ka ng Collection Agency sa kahit anong paraan. Dahil lahat ng kanilang masisingil sa iyo ay kanilang profit na or kita na nila sayo. Halimbawa, ikaw ay may utang na 100k sa Credit Card, babayaran na ito ng Collection Agency sa Bangko. Kapag nag-interest ng 100k ang iyong utang at magiging 200k, ang lahat ng amount ay kita na ng Collection Agency.
MAKUKULONG KA BA KUNG DI KA MAKABAYAD SA COLLECTION AGENCY?
Ang totoong sagot ay HINDI. Walang sinoman ang maaaring makulong sa pagkakautang sa isang Credit Card, hindi ito isang Criminal Act. Hindi ka lang talaga makabayad sa iyong pagkakautang at hindi ito isang kasalanan.
MAAARI KA BANG IPAKULONG NG ISANG COLLECTION AGENCY?
YES. Maraming legal matters or options ang Collections Agency upang makapaningil sa iyo at maipakulong ka nila.
UNA. Pagsa-submitin ka nila ng POST-DATED Checks, na babayaran sa kanila in a monthly basis. Kapag nag-agree ka sa options na ito at nag-issue ka ng POST-DATED Checks, ngunit sa kasamaang palad, hindi mo nagampanan ang Monthly Obligation mo, dito pumapasok ang tinatawag na Bouncing Check Law kung saan maaari ka na nilang ihabla sa korte at ito ay isang Criminal Act na masasabi. May karampatang kulong ang hindi pagpopondo sa Checking Account mo. Maaari ka ng ipakulong ng Collection Agency.
PANGALAWA, Papipirmahin ka sa isang agreement kung saan nakalatag ang iyong obligasyon na magbayad.
PANGATLO. Maaaring sa isang phone call conversation na ito ay isang recorded, pinag-aaralan ng mga collection agency ang iyong mga isasagot. Kung may marinig silang salita na ang ibig sabihin ay wala ka ng balak magbayad ng pagkakautang, it could be a ground para makapag-file sila ng kaso against you.
ANO KAYA ANG MAGIGING EPEKTO NITO SA IYONG CREDIT STANDING?
Mamumuhay kang CASH ang lahat ng iyong Transaksyon dahil hindi ka na makakautang sa mga Bangko at hindi ka na rin magkakaroon ng Credit Card sa Kanila.
ANO ANG GAGAWIN MO UPANG MALINIS ANG IYONG PANGALAN?
UNA. Bayaran mo ang iyong pagkakautang sa mga Collection Agency.
PANGALAWA. Dahil sa pagbabago ng Teknolohiya at pagkakaroon ng Big Data na tinatawag, darating ang panahon na ang database ng mga bangko ay mapupuno at buburahin na nila ang dating mga records sa kanilang database. But of course, it depends sa mga bangko kung hanggang kailan sila mag a-update ng kanilang database. Kapag nag-update na sila, automatic, babalik ang malinis mong records sa kanila
Comments
Post a Comment