Liham Para Kay USEC Rosemarie Edillon at sa LTFRB

Dear USEC Edillon,

Isa po ako sa milyong maralitang Pilipino na nagtatrabaho sa isang kumpanya sa Quezon City. Ako ay nagmumula pa sa Sta. Mesa, Manila.


Nais ko lang pong bigyan kayo ng actual TIPS and Information on how I budget my daily allowance.

Isa po akong PWD na nabigyan ng pagkakataong makapagtapos ng pag-aaral at makahanap ng disenteng trabaho. Pinagpursigihan ko pong makatapos sa kabila ng aking kapansanan dahil ayaw kong sa pagdating ng panahon ay umasa sa aking Pamilya.

Isang kahibangan po ang sinasabi ninyong P10,000 kada buwan na sahod ay hindi ka na mahirap. Matanong ko lang po kung saan kayo nagtapos ng inyong pag-aaral? Noong nag-aaral ba kayo magkano po ang tuition fee ninyo? Magkano po ba ang inyong mga libro? Magkano po ba ang inyong mga kinakain tuwing umaga or tanghalian o maging sa hapunan? Ilang kilometro po ba ang inyong nilalakad mula paaralan pauwi sa inyong tahanan? Hindi po ba kayo nagpupunta sa mall? Hindi po ba kayo naliligo sa araw-araw? Hindi ba kayo nagtu-toothbrush? Hindi ba kayo nagbabayad ng inyong kuryente? Hindi ba kayo nagbabayad ng inyong load? Nagbabayad ba kayo ng apartment? Nagbabayad ba kayo Tubig? And all these expenses?



Pakitingnan pong mabuti ang aking pamasahe kaninang umaga ng ako ay pumasok sa opisina? Tumataginting na P308. 

Ito nama po ang aking kinain kaninang tanghali. Nagkakahalaga na po yan ng P230 kasama na ang Iced Tea.




Nitong hapon po bago ako umuwi ay ito naman ang aking pamasahe.

Samakatwid ito po ang aking naging gastos sa maghapong ito - June 08, 2018


Pamasahe: 308 + 338 
Tanghalian: 230 
Kabuuang Gastos: P876 pesos.

Kung napansin mo po, nasa P127 sa isang araw ang inyong estimate for 5 members of the Family. Can you please compare my actual cost sa inyong assumption. STATISTICALLY, your estimated budget for one day is very very far from the Actual and Real Daily Cost ng mas nakararaming Pilipino.  Sa akin palang na gastos lampaso na ang budget ninyo. May GOODNESS sake. Anong klaseng BRAINS mayroon ka po. Kahit yata hindi nakapag-aral, maiintindihan ang ECONOMICS of Daily Expenses?


Sa LTFRB naman,

I remember the time na mayroon pang UBER sa Pilipinas. Smooth lang ang takbo ng Transportasyon. Passengers can easily book for a travel. Just a couple of seconds to a minute, nakakapag-book ka na. You can either choose kung SHARE or Pool ang gusto mo. or you can book ng CAR na ikaw lang ang sakay. 

You have an option pa kung saan mo gustong sumakay: UBER ba o GRAB.

Nung makialam kayo, nagkandaletse letse na ang mundo ng RIDE-SHARING APP. Sa ngayon, mabilis na ang isang oras ng pagbobook. Tumaas ang CANCELLATION rate ng mga TNVS drivers.

Tila yata bumalik ang mga drivers na namimili ng pasahero.

Nasaan na ang pag-usad ng Industriya ng transportasyon?

Hindi ba ninyo alam na isang Batas ang Sinisikil ninyo. Isang MAGNA CARTA for PWD - Ang accesibility sa transportasyon.






Comments

Popular posts from this blog

Ways to Correct Errors in Birth Certificate

Time for Staycation: A Time To Pamper Ourselves after Long Days of Working.

COMIDA CRAVINGS FOOD SHOP