Tourette Syndrome: The Science and the Brain:

Tourette Syndrome:

Siya ay si Sir MARLON FUENTES, isang dakilang haligi ng Tahanan ng kanyang Pamilya. Isa siyang GRAB Driver at nagda-drive sa loob ng Labing-Siyam na Taon (19 Years).



Siya ay may tinatawag na TOURETTE SYNDROME - Ito yung sudden movement ng iba't ibang parte ng kanyang katawan or biglaang paggalaw-galaw ng katawan na parang MANERISM.

Napansin ni MIMI VELASQUEZ na habang siya ay sakay ni Sir Fuentes nabasa niya ang maliit na papel na nakakabit sa likod ng Driver's Seat at sinasabing siya ay may Tourette Syndrome.  Hindi niya maintindihan ang ganoong kondisyon, ngunit habang patuloy sa pagda-drive, dito napansin ni Ms. Velasquez ang mga movement at galaw ni Sir Fuentes. Dito pumasok sa kanyang isipan kung ano ang Tourette Syndrome.


Nais ko lang din magbigay ng aking komento at kuro-kuro doon sa Panayam na ginawa ng isang TV Channel (News 5)  kay Sir Marlon at sa isang  Physician ng LTO na si DR. JOEL BASCOS. Ayon kay Dr. Bascos, It's NOT ROAD WORTHY and kinukuwestion din niya kung papano nabigyan ng Lisensya si Mr. Fuentes gayong kakaiba ang kanyang kondisyon na maaaring sa paglingon nya ay baka maka-aksidente or maaksidente.

Nakakalungkot na kung sino pa yung binigyan ng kakayahan at pagkakataong makapag-aral upang maunawaan ang mga bagay-bagay ay sila pa yung mga taong kulang sa kaalaman pagdating sa pagbasa ng isip ng isang tao, pagbasa sa kakayahan ng isang tao, at kulang sa pang-unawa.

DR. JOEL BASCOS, kayo ay DOCTOR lamang. Ang inyong kaalaman, dunong at kakayahan ay nakabatay lamang sa inyong pagiging doctor. You might need other disciplines to understand the whole pictures of the situation.

Ang komento at idea mo is only the MEDICAL Side and it's not enough to CONCLUDE that MR. MARLON FUENTES Driving Job is not ROAD WORTHY.  Who are you to dis-credit his 19 years of driving experience na wala pa siyang kahit isang record ng  insidente sa daan. For 19 years of driving, he already established a pattern of SAFE and SOUND Driving.

Dapat bago ka nag-conclude, you should check the factors WHY HE SHOULD NOT into this kind of JOB. Alamin mo kung karapat-dapat ba siyang bigyan ng Lisensya o Hindi.

Bilang isa ring PWD (Ortho or Pilay and using Crutches) at nagmamaneho rin ng aking sasakyan, isang pagpapakita ng DISCRIMINASYON ang iyong komento and you are hurting the PWDs at large. I am also driving my own car.

Bago ako sumakay sa aking SASAKYAN upang magmaneho, I make SURE na dapat nasa KONDISYON ang aking PAG-IISP. I always prepare my BRAIN.

Anong ibig kong sabihin?

Ang BRAINS po ng isang tao ang nagpapatakbo ng ating buong katawan. Kapag ang ating utak ay hindi nagpa-function, tila magiging lantang gulay ang ating buong katawan, sapagkat idinidikta ng utak ang bawat galaw ng ating buong katawan.

Bago ako sumakay sa aking sasakyan, IKINOKONDISYON ko na ang aking isip na kontrollin ang kakayahan ng aking dalawang PAA. Ang kanang bahagi ay nakatapak sa GAS pedal upang tumakbo ang sasakyan. Ang kaliwang bahagi ng aking paa ay nakatapak sa BREAK pedal at dapat alerto ito upang sa difficult or sudden situation ay matapakan ko ito ng maayos upang maging smooth ang paghinto at hindi makapagdulot ng aksidente.

Kaya kahit Pilay ako, CONFIDENT ako na kaya kong mag-drive.

Ganun din naman ang naiisip kong ginagawa ni Sir Marlon Fuentes at malinaw naman na nadiscribe ni Ms. MIMI Velasquez. Bago sumakay at bago umarangkada si Sir Fuentes, ALAM kong kinu-kondisyon na nya ang kanyang buong katawan na kung sakaling bigla siyang atakehin ng kanyang kalagayan, nakahanda ang kanyang buong sarili at maiiwasan nya ang ano mang aksidente. Hindi man maunawaan ni  Sir Marlon kung bakit siya nagka-TOURETTE Syndrome, I am very confident na ramdam nya at nadarama nya kung kailan siya aatakehin ng kanyang karamdaman. Kilala nya at alam nya ang kanyang sarili. Kaya sabi nga ni Ms. Mimi, napapansin niyang kapag madalas ang paggalaw ng katawan ni Sir Marlon, binabagalan nito ang pagpapatakbo. Ibig sabihin, alam niya ang dapat gawin.


DR. JOEL BASCOS, bakit mo kukuwestiyonin ang pagbibigay ng lisensya kay Sir Marlon? Di ba ang sinusuri lang naman ninyo ay ang linaw ng MATA. Other than this, wala na kayong ibang tinitingnan.

Nag-apply ako ng aking DRIVER's License way back 2015. Nagpunta ako sa MAIN Office ng LTO sa East Avenue, nagpunta ako sa Medical Office na ACCREDITED ng LTO. Ang ginawa ng doktor, ipinatong ang Palad nya sa aking tuhod at ipina-angat sa akin habang pinipigilan ng kanyang palad upang to measure the strength ng aking tuhod. To cut the story, SHE NEVER gave me a FIT to DRIVE certificate, instead, she recommended na magpa-therapy at humingi ng certification sa Philippine Orthopedic Hospital. That day, I went directly to Philippine Orthopedic Hospital para doon humingi ng Certification. I returned to this LTO Physician to present the certification, and she was asking for a Medical Fee and I told her, why should I pay you for the certification na hindi naman sayo galing and iniwan ko ang opisina and the other day, nagpunta ako sa ibang LTO Office to apply for a Driver's License - sa Mandaluyong LTO, but they never gave me the license na ina-apply ko, until magpunta ako sa ibang LTO and doon dumaan ako sa TAMANG proseso. I took and exam and passed the exam. Nag test drive ako sa paligid and I passed, until mabigyan ako ng Driver's License.

Noong mag-renew ako, again, sa Philippine Orthopedic Hospital uli ako pinapunta ng LTO LA LOMA Quezon City dahil ayaw ako bigyan ng Physician ng Certification na fit to drive. I am now driving for more than 4 years now.

And UBER/GRAB Came in.

The requirements in order for me to drive was a PROFESSIONAL DRIVER's LICENSE and I tried to apply for a Professional Driver's License, BUT unfortunately, sa mga katulad ko daw na kondisyon, hanggang NON-PRO lang daw ang pinaka-mataas na lisensya na pwede kong ma-obtain.

If you're to check the data ng mga sasakyang sangkot sa mga aksidente. Mga may kapansanan ba ang mga drivers na involved or yung mga mayayabang na drivers, mga drivers na gumagamit ng droga, mga drivers na lasing, mga drivers na malabo na ang mata. Ilan sa mga drivers involve ang may kapansanan?

DR. JOEL BASCOS, I do not DISCREDIT your profession, your skills, and your experience as DOCTOR, but I would like to tell you that all of your skills are only MEDICAL RELATED logic and concern. ONE SIDED Opinion. You should also consider other discipline na pwedeng basahin ang kakayahan ng isang PWD. Psychologist for example, nababasa nila ang pag-iisip, personality at attitude ng isang tao. Why not asked their opinion as well, baka lumabas na mas mataas ang fit-to-drive level nila dahil sa kanilang positivity at good personality. Mabait ang taong ito, masunurin sa batas, may pagamahal sa kapwa at pamilya at hindi ito gagawa ng ikakasira ng kanyang pangalan. Maaring may tourette syndrome siya pero person-wise, mabuti itong tao at driver.


I'll give you an example:

Halimbawa yung mga doktor na mahuhusay magpa-anak at mag-cesarean. Ang mga doctor na ito ay sabihin na nating expert at may 15 years na sa kanyang tungkulin. Bago nila gawin ang procedures, they make sure na hindi masasaktan o mararamdaman ng ina na hinihiwa ang kanyang tiyan. Tuturukan nila ito ng anesthesia. In just a matter of minutes, kukunin na ang bata sa kanyang tiyan at ito ay kukunin sa hiwa. Kapag natahi na ang hiwa at matanggal na ang epekto ng anesthesia, dito mararamdaman ng babae ang kanyang sugat.

Ang main thing na tinitingnan ng isang doktor sa anesthesia ay yung kanyang effectiveness. Dapat kapag nawala na yung bisa ng anesthesia, hindi maramdaman ng isang babae yung sakit. Dapat hindi kumirot yung sugat sa kanyang tiyan. Kaya may ibat' ibang klase ng injection or pampamandhid ang itinuturok sa isang babae bago gawin ang Cesarean operation.

That's where STATISTICS comes in, based on data, Statistician can validate and measure the effectiveness of the medicine. Yan yung limitation ng isang OB Gyne. Hindi niya kayang basahin ng lubusan ang effectiveness ng isang gamot. Kung gaano katagal mawala ang pamamanhid, kung gaano ito kabilis umepekto. At what certain level of pain yung kayang niyang i-accomodate.

IN Short, Dr. JOEL BASCOS, try to study Psychology and Statistics as well para yung magiging opinion mo in the future can actually speak the different sides of situation.






Comments

Popular posts from this blog

Ways to Correct Errors in Birth Certificate

Time for Staycation: A Time To Pamper Ourselves after Long Days of Working.

COMIDA CRAVINGS FOOD SHOP