Dapat Ko Bang Ipaglaban Ang Aking Karapatan
Ako si Vincent Torre Bongolan, tubong Nueva Ecija na lumaki at nagkaisip sa Dilasag Aurora. Isang pilay na hindi naranasang makalakad katulad ng mga normal na bata ng kanyang kapanahunan. Mula sa isang mahirap na pamilya ay lumaki akong matapang at matatag.
Walang dahilan upang ipagmukmok ko ang aking kalagayan sapagkat hindi naman ako kayang palakarin ng aking mga luha, bagkus magpapabagsak lamang ito ng aking katatagan.
Nang magtungo sa Maynila ay nakaranas ng iba't ibang uri ng hirap at diskriminasyon. Ngunit dahil palaban ay naging matatag ako.
Sa gitna ng aking kalagayan ay nagtrabaho ako upang tustusan ang aking pag-aaral.
BREAK? RECESS? PAHINGA? Hindi ko yan kilala noong ako'y nag-aaral sapagkat ang layunin ko sa buhay ay makapag-trabaho at maigapang sa kahirapan ang aking pamilya. Madalas malipasan ng gutom hindi dahil walang budget, ngunit upang makatipid sa pang-araw-araw.
Maraming beses akong nakaranas ng diskriminasyon at pagsubok. Madalas akong malaglag sa jeep, sa bus noong pumapasok ako sa trabaho at kumukuha ng law sa gabi. Kalbaryo sa akin ang tag-ulan dahil dumarating ako sa class ko ng basa ang damit. Minsan kapag minalas malas pa ay mahuhulog sa jeep sa Quiapo.
Madalas akong takbuhan ng mga jeepney drivers sa Quiapo. Minsan pa hindi pa ako nakakasakay at hindi pa nakakababa ng maayos ay kumakaripas na sila ng paandar. Minsan hindi pa ako nakakababa ng biglang umandar ang jeep na aking ikinahulog, nag-reklamo ako sa opinina ng pulis sa Quiapo, ngunit ako paang sinabihang mag taxi nalang. Ilang beses din ako nahulog sa Bus.
Sa taxi ilang beses akong tinatanggihan. Minsan pa pinapababa ako sa lugar na walang tao. Minsan pa nagpapadagdag ng pamasahe kung hindi ka sumang-ayon ay tatakutin ka. One time, nag taxi ako tapos siningil ako ng 1500, sabi ko wala akong perang ganun ngunit ibinaba ako sa bandang recto-isetan.
Sa mga bangko ay may diskriminasyon din akong naranasan.
Nagreklamo ako one time sa isang taxi driver sa NBI. Noong unang punta ko maayos ko silang kinausap at ganun din sila. after series of invitation, nanghihingi na ng lagay. Nagreklamo ako sa SM Manila ng minsan akong pagsarahan ng main door palabas at sinara ang eleverator. sa hagdan ako dumaan. Nagreklamo ako sa management.
Lahat ng alam kong karapatan ko ay inilalaban ko. One time tumawag ako sa NCDA noon. Nagulat ako sa sinabi ng lalaking sumagot, "Pasensya na po dahil kami man dito sa NCDA ay walang magawa upang tumulong".
Sawa na ako sa pag-iinsist ng aking mga karapatan.
Marami akong reklamo at halos lahat ay related sa transportasyon at sa mga Butika at pila sa mall.
May isang senador na nangakong bibigyan ako ng Scholarship, ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin ang scholarship na offer nya.
Taong 2005 ng mainterview at maisadula ang aking buhay, ay tumawag ang senador na yun at sinabing kilala niya ako at ako daw ay yung kanyang tinulungan. Ako daw ay sumulat sa kanyang tanggapan at tinulungan naman nya ako. Isang kasinungalingan at tahasang panggagamit sa aking kapansanan - Nakakadismaya. Ang kapal ng mukha.

Comments
Post a Comment