Ang National ID System at ang Rehimeng Marcos: Isang Pagsasaganap sa Pangarap ng Lumipas
August 24, 1973, isang taon makalipas ang pagdedeklara ng Martial Law ni Former President Ferdinand Edralin Marcos ay naglabas ito ng Presidential Decree No. 278 which mandate the creation of NATIONAL REFERENCE CARD SYSTEM.
Layunin ng Presidential Decree No. 278 ang mag-establish ng isang sistema ng pagkakaroon ng isang pagkakakilanlan sa lahat ng mga Pilipino at mga dayuhang ligal na na naninirahan sa ating bansa. Layunin ng National Reference Card System ang pagkakaroon ng mataas na level ng seguridad sa mga indibidwal na naninirahan at ligal na naninirahan sa ating bansa.
Click the Photo to READ PD. No. 278 |
Noong panahon ni Pangulong Marcos, ang lahat ng Identification Card ay may kanya-kanyang purpose katulad ng SSS, GSIS, Pag-Ibig, TIN at kung ano-ano pa. Agency-oriented ang mga ID noon kung tawagin. Kung pumasok ka sa isang opisina ng gobyerno kung may mahalagang bagay kang gagawin, kinakailangan mong magsumite ng 2 o higit pang ID ng issued by the Government. Halimbawa nalang kung mag-aapply ka ng Loan sa Bangko, at kung mag-aapply ka ng passport, kinakailangan mong magbigay at magsumite ng 2 or higit pang Identification Card. Hindi mapo-proseso ang layunin mo kung sakaling wala kang maipakitang ID Card.
Upang mapadali ang pag-poproseso at transaksyon sa mga opisina ng Gobyerno at pribadong mga opisina, layunin ng Presidential Decree No. 278 na magkaroon na lamang ng iisang Reference ID Card.
Mas magiging madali ang mga transaction sa lahat ng opisina.
Ang sino mang mapatunayang lumabag sa nasabing kautusan ay maaaring makulong ng mula 5 hanggang 10 taon.
Mga Krimen at Paglabag sa Presidential Decree No. 278
Ang sino mang mahuhuli at mapaptunayang nakagawa ng mga sumusunod ay maaaring makulong ng mula 5 hanggang10 taon.
- Pagsusumite ng mga Fictitious Name and False data or mga pekeng impormasyon sa gobyernong magpapatupad ng kautusan
- Un-authorized printing, preparation or issuance of National Reference Card by any person.
- Willful falsification, mutilation, alteration of or tampering of a National Reference Card by any person.
- Unauthorized possession or yung paggamit ng card ng ibang tao.
- Willful failure to apply for and secure National Reference Card.
Click the Photo to read E.O. 630 s. 1980 |
Nobyembre 11, 1980 nang nilagdaan ni Former President Ferdinand E. Marcos ang Executive Order No. 630 s. 1980. Layunin ng E.O. 630 ang pagbuo ng isang Komite na siyang magpapatupad sa National Reference Card System or yung Presidential Decree No. 278.
Historically, ang pagkakaroong ng iisang ID Card ay hindi lamang isinulong noong panahon ni Late President Marcos sapagkat noong Panahon ni Former President Fidel Valdez Ramos ay pinirmahan naman nito ang Administrative Order No. 308 noong December 1996. This is to adopt a National Computerized Identification Reference System. It is a mandate of this Order to create a computerized National ID System.
Layunin ng Computerized National ID System na mapabilis ang mga transactions sa pag-avail ng mga serbisyo ng Gobyerno, SSS at sa lahat ng mga opisina ng Gobyerno at maging sa pribadong kumpanya. Layunin din ng Computerized National ID System na masawata ang mga mapang-abuso sa mga serbisyo ng Gobyerno.
The initiative to have a Computerized National ID System was then blocked by late Senator Blas Ople. Naghain ito ng petisyon sa Korte at sinabing ito ay paglabag sa 1987 Consitution specifically the "Right to privacy". Aisanyon kay Sen. Blas Ople kinakailangan ng Legislative Act kung nais ng Gobyerno na magkaroon ng iisang ID.
Ibinasura ng Korte Suprema ang pagkakaroon ng Computerized National ID System noong July 1998. Hindi daw ito sakop ng Executive Branch Functions at isa itong paglabag sa Bill of Rights - ang Privacy Act.
April 13, 2005 ng nilagdaan naman ni Former President Gloria Macapagal Arroyo ang Executive Order No. 420 na nag-uutos sa lahat ng opisina ng Gobyerno to Consolidate their Identification System
Katulad ng mga naunang kautusan, ang layunin ng Executive Order. 420 ay upang mapabilis ang transaksyon sa Gobyerno at maibigay ang mga serbisyo sa tao ng tama. Ang pagpirma ng E.O. 420 ay upang maiwasan ang mga violation against fraud or using fake identities.
Panahon ni Former President Arroyo ng ma-implement ang UMID ID o ang Unified Multi-Purpose ID system in 2010. Ito ay kaugnay ng implementation ng E.O. No. 420.
Kilusang Mayo Uno filed a petition subalit sila ay nabigo dahil idineklara ng Korte Suprema na ang pagpirma ng Pangulo sa E.O. No. 420 ay naaayon sa Constitution.
Kung ating mapapansin, mula taong 1973 hanggang sa mga sumunod na pangulo ay isinusulong na ang Pambansang ID System na ang tanging layunin ay magkaroon ng iisang ID na magagamit upang i-present sa mga transactions sa mga opisina ng Gobyerno at pang-pribadong kumpanya. Layunin nitong mapabilis ang serbisyo ng Goyerno at maibigay ng tama ang mga ito sa tamang mga tao.
Isang Linggo ng lagdaan ng Pangulong Duterte ang Republic Act. No. 11055 o yung tinatawag na Philippine Identification System Act.
Layunin ng R.A. No. 11055 na maging centralized ang lahat ng personal information ng mga Pilipino at mga dayuhang residente ng bansa.
Ano ba ang mga dahilan kung bakit ipinu-push ito ng Gobyerno?
Nakasaad sa R.A. No. 11055 na ang pagpapatupad nito ay upang.
- promote Seamless Delivery of Service
- improve the Efficiency, Transparency and targetted delivery of public and social services
- to enhance the administrative governance
- to reduce corruption
- to curtail bureaucratic red-tape
- avert fraudulent transactions and misrepresentations
- strengthen financial inclusion
- promote ease of doing business
Sinasabi rin sa mandatong ito that a government adheres a resilient digital system to secure the data collected and ensures the people's right to privacy, confidentiality and other basic rights, shall, at all times, upheld and protected.
Sinasabi rin sa mandatong ito na kapag ang isang indibidwal ay magkaroon ng ID, dapat itong kilalanin ng Gobyerno at pribadong sector. Hindi na kinakailangan pang magprisinta ng 2 o higit pang ID para sa pagkakakilanlan sapagkat sapat na ang pag-presenta ng National ID.
Mga impormasyong kukunin sa isang indibidwal na mag-aapply ng National ID:
- Demographic Data
- Full Name
- Sex
- Date of Birth
- Place of Birth
- Blood Type
- Address
- Filipino or Resident Alien
- Marital Status (optional)
- Mobile Number (Optional)
- Email Address (Optional)
- Biometric Information
- Front-Facing Photograph
- Full set of Fingerprints
- Iris Scan
- Identifiable features of an individual.
After a year ng pagkakapirma sa Batas na ito, ang lahat ay inaanyayahang magparehistro sa mga sumusunod na opisina
- PSA National and Regional Offices
- Local Civil Registry Offices
- Government Service Insurance System (GSIS)
- Social Security System (SSS)
- Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth)
- Home Development Mutual Fund (HDMF)
- Commission on Elections (COMELEC)
- Philippine Postal Corporation (PhilPost)
- Other Government Agencies and GOCCs as maybe assigned by PSA.
Basic requirements kung ang isang indibidwal ay mag-aapply ng National ID.
- Birth Certificate
- Proof of residency
Section 17 of this Law discussed the Protection Against Unlawful Disclosure of Information/Records.
Comments
Post a Comment