The Untold Story
My life is an open book to many, ngunit may ilan paring natatagong katotohanan at pangyayari na ngayon ko lang din isisiwalat. Hindi kami ipinangak na mayaman, bagama't guro ang aking Nanay at isa namang pulis ang aking Tatay. Masasabi kong average lang ang aming buhay noon. Ang aming tahimik na pamumuhay ay biglang naglaho, naging masalimuot at parang pasan na namin ang problema ng sangkatauhan na sa tingin namin ay bakit sa amin pa nangyari. Sa hirap ng buhay, gumawa ako ng paraan na hindi alam ng aking mga magulang. Ginawa ko ito upang kahit papano ay makatulong ako o matulungan ko man lang aking sarili na makatapos ng pag-aaral sa kabila ng aking kapansanan. Lumapit ako sa aming kura-paroko noon at isiniwala ang problemang kinakaharap ng aming pamilya. Lumapit din ako sa aming DSWD Lumapit sa aming Mayor Subalit lagi akong bigo at walang nagawa kundi ang malungkot, ngunit hindi ang magmukmok. Graduating ako ng maisipan kong sumulat sa ila...