The Untold Story

My life is an open book to many, ngunit may ilan paring natatagong katotohanan at pangyayari na ngayon ko lang din isisiwalat.


Hindi kami ipinangak na mayaman, bagama't guro ang aking Nanay at isa namang pulis ang aking Tatay. Masasabi kong average lang ang aming buhay noon. 

Ang aming tahimik na pamumuhay ay biglang naglaho, naging masalimuot at parang pasan na namin ang problema ng sangkatauhan na sa tingin namin ay bakit sa amin pa nangyari. 
Sa hirap ng buhay, gumawa ako ng paraan na hindi alam ng aking mga magulang. Ginawa ko ito upang kahit papano ay makatulong ako o matulungan ko man lang aking sarili na makatapos ng pag-aaral sa kabila ng aking kapansanan. 
  1. Lumapit ako sa aming kura-paroko noon at isiniwala ang problemang kinakaharap ng aming pamilya.
  2. Lumapit din ako sa aming DSWD
  3. Lumapit sa aming Mayor
Subalit lagi akong bigo at walang nagawa kundi ang malungkot, ngunit hindi ang magmukmok.

Graduating ako ng maisipan kong sumulat sa ilangopisyal ng ating Gobryerno, buwan ng February to March.
  1. Senador
  2. Bise-Presidente
  3. Presidente
  4. U.S.A President
Isang Senador ang nagpadala ng sulat sa akin, tuwang-tuwa ako ng matanggap ang sulat mula sa Office of the Senator(Confidential). Sabi sa sulat, ikinagagalak ko ang iyong pagliham, kakatapos lang ng halalan(May 1999). Hindi pa ako nakakaupo sa aking opisina at hindi ko pa rin ito naayos. Huwag kang mag-alala, i-eendorse ko ang iyong kahilingan sa tamang sangay ng Gobyerno upang mabigyan ka ng Scholarship.

Sumunod na sulat ay mula sa ating Bise-Presidente. Nakalagay sa liham na ito ay First Endorsement na, ibig sabihin ay naiparating na ang aking kahilingan sa tamang sangay ng Gobyerno at maaaring ito ay inaayos na. 

Nagbalik ang liham ko sa USA President dahil hindi pala Republic ang USA. Hahaha. Nakalagay kasi sa sulat ko, "To: Republic of USA". Nakakatawa lang din. 

Wala akong nareceive na Liham mula sa Office of the President that time.

Dumaan ang isang Semester ko sa Kolehiyo, ngunit patuloy pa rin akong nakikipag-communicate sa Office of the Senator at sa Office of the Vice President hanggang sa ako ay magsawa. 

Nag-focus nalang ako sa pagsali sa mga University Contest, hanggang sa may ibang guro na nakapansin sa akin dahil uang beses kong sumali sa sa pakontes sa pagsulat ng Sanaysay ay ako ang nagwagi. P300 pesos at Trophy ay sapat na rin para sa akin. Ilang linggo matapos ang pakontes, ipinatawag ako sa office. Akala ko kung ano na nagawa ko, baka kako nagkamali sila ng binigyan ng parangal at binabawi na nila ito. Isa palang pilantropo ang kinausap ng isang guro at ikinuwento niya ang aking kalagayan, ipinatawag ako upang iabot ang tulong Pinansiya at pambili ng sapatos at goma ng aking saklay. 

Patuloy ako sa paglahok sa mga pakontes sa paaralan, minsan panalo, minsan may talo. Ganyan naman talaga ang buhay, ang mahalaga always do your best ikaw nga. Baka ginalingan din nila kaya ako natalo. 

Taong 2004 ng magtapos ako sa Kolehiyo. After 1 year (2005), tinawagan ako ng taga Philippine Daily Inquirer. Dito ay unang isinulat ang aking pakikipagsapalaran sa paghahanap ng trabaho kung papano ko nalampasan ang mga pagsubook at diskriminasyon.
Taong 2005 din ng isinadula ang aking buhay-kasaysayan sa isang AM Radio Station (DZRH) ni Deo Macalma at Milky Rigunan. Pagkatapos ng Palabas ay inimbitahan ako istasyon para sa maliit na mensahe na maibabahagi ko sa mga nakinig ng aking kasaysayan. Pagkatapos ng interview sa akin, maraming organisasyon ang nagpahayag ng pagtulong sa akin, kasama na ang office of the SENATOR na hiningan ko ng tulong. Nakatapos na ako't lahat, saka pa siya tatawag? Ano yun gusto niya pumapel sa aking pagsisikap makatapos. 


Nung mabasa ko ang tungkol kay April Boy Regino, napahanga ako sa ating Presidente. Ang tunay na tumutulong kailanman hindi nangangailangan ng publicity. Sinong mag-aakalang si April Boy Regino ay minsang naabutan ng tulong ng ating Presidente. 
NO other President of my generation ang nakagawa ng ganyan. 


Comments

Popular posts from this blog

Ways to Correct Errors in Birth Certificate

Time for Staycation: A Time To Pamper Ourselves after Long Days of Working.

COMIDA CRAVINGS FOOD SHOP