Liham Para Kay USEC Rosemarie Edillon at sa LTFRB
Dear USEC Edillon, Isa po ako sa milyong maralitang Pilipino na nagtatrabaho sa isang kumpanya sa Quezon City. Ako ay nagmumula pa sa Sta. Mesa, Manila. Nais ko lang pong bigyan kayo ng actual TIPS and Information on how I budget my daily allowance. Isa po akong PWD na nabigyan ng pagkakataong makapagtapos ng pag-aaral at makahanap ng disenteng trabaho. Pinagpursigihan ko pong makatapos sa kabila ng aking kapansanan dahil ayaw kong sa pagdating ng panahon ay umasa sa aking Pamilya. Isang kahibangan po ang sinasabi ninyong P10,000 kada buwan na sahod ay hindi ka na mahirap. Matanong ko lang po kung saan kayo nagtapos ng inyong pag-aaral? Noong nag-aaral ba kayo magkano po ang tuition fee ninyo? Magkano po ba ang inyong mga libro? Magkano po ba ang inyong mga kinakain tuwing umaga or tanghalian o maging sa hapunan? Ilang kilometro po ba ang inyong nilalakad mula paaralan pauwi sa inyong tahanan? Hindi po ba kayo nagpupunta sa mall? Hindi po ba kayo naliligo sa araw-araw? Hind...