Sino ang dapat sundin pagdating sa PAG-IBIG: PUSO ba o ang Utak

Sinasabi sa Proverbs 4:23, "Above all else, guard your heart for everything you do flows from it".

Sa usapin ng Pag-ibig, madalas nangingibabaw ang Puso. Maraming pagkakataon kung saan nagiging bulag ang puso at ang tanging alam nito at gustong mangyari ay makita, mayakapa, makasama ang kanyang minamahal.

Marupok ang puso ika nga. Wala itong hangad kundi ang magbigay ng pagmamahal sa kanyang minamahal. Wala itong pakialam kung mahal din ba siya ng kanyang minamahal. Hindi nito nakikita ang mga negatibong aspeto, bagay at turing ng kanyang minanamahal sa kanya. Ang mahalaga mahal niya ang tao. Mahal nya ito maging ano at sino pa man.

Ganyan nakaprogram ang ating puso. Nilikha ang bwat nilalang na may ginintuang puso.

Ang Proverbs 4:23 ay isang paalala na dapat nating tulungan ang puso kung sakaling mali at hindi na nito alam ang tama sa mali.


Ibig sabihin, sa panahong mali na ang tinitibok ng ating puso, may utak tayong maaaring magdesisyon para sa atin.

Kung ang nababasa ng ating utak ay hindi na tama. Kung masyado na nating sinasaktan ang ating sarili.  Kung nagmamahal tayo sa maling tao, sa maling panahon at pagkakataon.

Ang utak ang maaari nating kasangkapan upang mabalanse natin ang ating buhay at pagkatao.

Too much attachedment ika nga ang isa sa pinaka-matinding kalaban ng ating Puso. Sa sobrang pagka-attached, hindi na nito alam at wala na itong pakialam kung ikaw ay ginagamit na lamang ng taong mahal mo.

Sapagkat ang taong nagmamahal, walang ina-aksayang pagkakataon. Sinusulit nito ang oras, pagkakataon at panahon na makasama ang kanyang minamahal. He or she will take all the risk makasama at makita lang ang minamahal.

Kapag walang ganitong pagpapakita ng pagmamahal, may utak tayong siyang babalanse ng mga bagay-bagay.

Kaya ng utak na balewalahin ang nararamdaman ng puso gaano man ito kabigat at kasakit.

Kaya kung nagmamahal ka, ipakita mo, ipadama mo, huwag kang matakot sa sasabihin ng iba. Dahil ito lang ang makapagbibigay sa iyo ng walang hanggang ligaya.

HUWAG mong HINTAYING UTAK  na ng TAO ang gumalaw.


Comments

Popular posts from this blog

Ways to Correct Errors in Birth Certificate

Time for Staycation: A Time To Pamper Ourselves after Long Days of Working.

BDO Unibank has updated their Terms and Condition under LIABILITY: BDO is NOT LIABLE FOR ANY FUTURE HACKING INCIDENTS?