The TRUTH Behind BULACAN MASSACRE

This is the first word that utter from the suspect, "Mr. Carmelino Navarro Ibanez".




"Nagsisisi po ako sa ginawa ko po. Kasi po lulong po ako sa droga at nakainom din po ako.

PANOORIN ANG video



Si Carmelino ang itinututong suspect sa pagpatay kina:

1. Auring Dizon - 58 years old
2. Estrella Dizon - 28 years old
3. Donnie Dizon - 11 years old
4. Ella Dizon - 7 years old
5. Dexter Dizon Jr. - 1 year old

Pinatay sila sa loob ng kanilang subdivision sa San Jose Del Monte Bulacan ng hinihinalang suspect na si Carmelino.

Nakitang duguan ang damit ni Carmelino at ang patalim na hawak nito na may bahid ng dugo kung kaya't siya ay hinuli at naging prime  suspect sa krimen.

Dahil sa pagkakadakip sa kanya, hinuli ang mga taong sangkot dahil ayon sa kanyang salaysay, ang mga hinuli ay kanyang kasabwat at kasama sa pagpatay at panggagahasa.

Pinalaya ang mga ito dahil sa kakulangan ng ebidensya.

Sa huli, binawi ni Carmelino ang kanyang mga isiniwalat. Binago nito ang kanyang testimonya. Bago ang pagbawi, pinalaya na ang mga suspect dahil sa kawalan ng ebidensya.

Ang mga pinalaya at pinawalan ay unti-unting nauubos dahil pinatay na ang mga ito. Sa mga unang itinuro ni Carmelino, tanging si Alvin Mabesa na lamang ang nag-iisang buhay.

Isang misteryo ang dahilan kung sino ang pumatay sa mga suspect?

Kung isusunod nilang patayin si Alvin Mabesa at si Carmelino, sino pa ang magtuturo ng buong katotohanan. Bagama't duguan ang kasuotan ni Carmelino at ang kanyang hawak na  itak, hindi pa rin sapat upang sabihing siya ang may kagagawan sa nangyaring masacre, unless ang mga suspect ay nagbigay ng kanilang testimonya kung kilala ba nila ni Carmelino o kung maituturo ba nilang si Carmelino nga ang tunay na  suspect.

Ngunit papano nga ba maididiin si Carmelino kung pinatay na ang mga suspect. I remember a famous quote, "Dead Men Tell No Tales". Papano na malalaman kung sino nga ang tunay na may kagagawan sa krimen kung pati si Alvin Mabesa na natitirang buhay ay isusunod na papatayin?

Just a note:
Bago ba pinatay ang mga suspect, pinaamin ba ito? May video bang umamin ito or ano mang ebidensya. If the evidence is strong, at siguradong siya ay kasama sa massacre,  then no questions sa kanilang pagkamatay.

Kung isusunod na papatayin si Alvin Mabesa, sana this time, the process of law will rule the case. Kailangang mapatunayan na si Carmelino Ibanes nga ang prime  suspect. Dapat manggaling ang ebidensya sa mismong bibig ni Alvin Mabesa.






Comments

Popular posts from this blog

Ways to Correct Errors in Birth Certificate

Time for Staycation: A Time To Pamper Ourselves after Long Days of Working.

COMIDA CRAVINGS FOOD SHOP