PREMIUM TAXI - LTFRBs New TRANSPORT Service
Nitong nakaraang mga linggo, naging laman ng mga balita ang kautusan at direktiba ng LTFRB ang paghuli sa mga Drivers ng UBER/GRAB na mga walang pahintulot na mag drive dahil sa kawalan ng mga dokumento.
Dahil sa kautusang ito, napag desisyunan ng LTFRB na patawan ng multa ang UBER/GRAB ng tig 5 milyon dahil sa hindi nito pag-comply sa mga requirements na kanilang itinakda.
Umani ng batikos ang LTFRB dahil malaking epekto ng kanilang kautusan kung sakaling ipatigil nila ang operasyon ng UBER at GRAB na mga walang dokumento.
Sa huli, napag-desisyunan na hindi na nila huhulihin ang mga nakarehistro na at bibigyan na lamang ng sapat na panahon para maka-comply sa mga requirements.
At ngayon, kahapon lang din umugong ang balita na may bagong transport service na ilalabas ang LTFRB at tatawagin itong PREMIUM TAXI.
Ito kaya ang dahilan kaya malakas ang loob ng LTFRB na mawala ang UBER/GRAB dahil mayroon silang bagong bagong BUSINESS?
Abangan!!!
Comments
Post a Comment