What is all about Martial Law and How do we Interpret the Law Accordingly: Facts about the Declaration of Martial Law




Pinag-uusapan ngayon sa Kongreso ang pagpapalawig ng "MARTIAL LAW".

Ano nga ba sinasabi sa ating Constitution tungkol sa pagdedeklara ng Martial Law?



Ang mga mababasang pagpapaliwanag ay base sa aking sariling opinyon kung papano ko nauunawaan at naiintindihan ang batas na nakapaloob sa 1987 Constitution.




THE 1987 CONSTITUTION OF THE REPUBLIC OF THE PHILIPPINES


ARTICLE VII: 
Executive Department


The Philippines is a Republic with a Presidential Form of Government wherein power is equally divided among its three branches: Executive, Legislative, and Judicial.


3 - Branches of the Government

*  Legislative Department - Makers of the Law. 
       - Ang mga opisyal na nasa Legislative Department ang gumagawa at bumabalangkas ng Batas.
       -  Binubuo ang Legislative Department ng dalawa pang kapulungan: 
                 --Ang Senando at 
                 --Ang Kongreso.

 *  Executive Department - Carries out the Law. 
       - Ang mga opisyal na nasa Executive Department ang tagapagpatupad ng mga batas na                         binalangkas ng Senado at Kongreso

       -  Binubuo ang Exective Department ng tatlo pang kapulungan: 
                 --Ang Pangulo
                 --Ang Pangalawang Pangulo at 
                 -- Gabinete

*  Judicial Department - Evaluate Law. 
       - Ang mga opisyal na sa Judicial Department ang sumusuri at nag-aaral kung mayroon bang pagkakamali sa pag-implement ng batas, or kung may mali ba o kulang sa mga batas. Kung mayroong mga kontrobersyal sa batas, sila ang nag-aaral. 
       -  Binubuo ang Judicial Department ng mga kapulungang kinabibilangan ng:
                 --Ang Korte Suprema (Supreme Court)
                 --Ang Ibang Pang Korte. (Ombudsman, Sandiganbayan, etc.)

Ang tatlong BRANCHES ay may karapatang baguhin ang mga ginagawa sa ibang branch of the Gobyerno. Halimbawa.

* Ang Pangulo ng Pilipinas ay may karapatang i-reject ang batas na binalangkas ng Kongreso.
* May kakayahan naman ang Congress na i-reject ang mga iaappoint ng PAngulo at pwede din nilang patalsikin ang Pangulo kung may malakas itong ground.
* Ang punong Mahistrado or Justices of the Supreme Court naman ay may kakayahang ideklara na ang isang gawa or pagpapatupad ng isang batas ay hindi akma at naayon. 



Section I:  The Executive Power shall be vested in the President of the Philippines.

Ibig sabihin, nasa Pangulo ng Pilipinas ang buong karapatang pamunuan ang Executive Department ng Gobyerno. 


Section 18:  The President shall be the Commander-in-Chief of all Armed Forces of the Philippines and whenever it becomes necessary, he may call out such Armed Forces to prevent or suppress lawless violence, invasion or rebellion. In case of invasion or rebellion, when the public safety requires it, he may for a period not exceeding sixty days, suspend the privilege of the writ of habeas corpus or place the Philippine or any part thereof under martial law. Within forty-eight hours from the proclamation of martial law or the suspension of the privilege of the writ of habeas corpus, the President shall submit a report in person or in writing to the Congress. The Congress, voting jointly, by a vote of at least a majority of all its Members in regular or special session, may revoke such proclamation or suspension, which revocation shall not be set aside by the President. Upon the initiative of the President, the Congress may, in the same manner, extend such proclamation or suspension for a period determined by the Congress, if the invasion or rebellion shall persist and public safety requires it.


Sa unang talata,"The President shall be the Commander-in-Chief of all Armed Forces of the Philippines and whenever it becomes necessary, he may call out such Armed Forces to prevent or suppress lawless violence, invasion or rebellion",  sinasabi na may kakayahan ang Pangulong lipunin ang mga Kapulisan kung kinakailangan upang maiwasan ang mga hindi magandang nangyayari. Ibig sabihin nito, hindi kinakailangang ang isang lugar o bansa nagakakaroon na ng gulo, ng invasion or rebellion. Bago mangyari ang nasabing mga pangyayari, may karapatan ang Pangulong gumawa ng hakbang upang maiwasan. Kaya nga sinabing "to prevent"


Kung nagkakaroon na ng Invasion or Rebellion, ay maaari ring ideklara or i-suspend ng Pamngulo ang Writ of Habeas Corpus at isalalim ang bansa sa tinatawag na Martial Law.

NOTE: Ang Pagdeklara ng Martial Law o ang tinatawag na Batas Militar ay hindi po nangangahulugang may Gyera, bagkus isa itong aksyon ng Gobyerno upang PAIGTINGIN AT IPATUPAD ang Batas. Hindi ba't masyadong mataas ang IMPUNITY LEVEL ng Pilipinas na umabot sa 75%? Ibig sabihin nito, may mga batas ang Pilipinas na hindi kinatatakutan kung kaya't ang mga kriminal ay patuloy na gumagawa ng krimen. Dahil alam nilang walang pangil ang batas, at alam nilang sila ay hindi mapapatawan ng batas. Ang Martial Law ay pagpapaigting lang ng mga Batas na mayroon tayo. Ipinapatupad ng gobyerno ang mga batas patungkol sa kapakanan ng mga Pilipino o mamayang nasasakupan ng deklarasyon. Upang tuluyang mabuwag ang mga sindikato, mawala ang terorismo at manumbalik ang kapayapaan, isususlong ang batas milita upang protektahan ang mga mamamayan nito sa napipintong kaguluhan. Upang hindi na humantong pa sa madugong labanan, kinakailangan ng ideklara ang Batas Militar upang maiwasan ito. (Ito ay aking sariling pang-unawa o opinyon sa ating batas)

Ang Pagdedeklara ng Martial Law or Pag-suspend ng Writ of Habeas Corpus ay hindi lamang decision ng Pangulo. Kinakailangang magsumite ang Pangulo ng sulat at pagpapaliwanag kung bakit niya idineklara ang Martial Law. Ito ay maigting na  pag-uusapan sa Kongreso. Ang Desisyon ng mas nakararaming Kongresista ang mananaig at masusunod. Kapag ang mayorya or karamihan ng mga nasa Kongreso ay hindi umayon sa deklarasyon ng Pangulo, walang magagawa ang Pangulo kundi i-lift ang kanyang deklarasyon at alisin ang pagpapatibay ng Batas Militar. 


Maaaring i-review ng Supreme Court kung may basis ba ang pagdedeklara ng Martial Law. Ito ay maaaring isampa ng isang ordinaryong citizen kung siya nga ay may matinding basehan upang sabihing unconstitutional ang pagdedeklara ng Martial Law. 

Sinasabi rin kapag ang isang lugar or bansa ay nasa ilalim ng Martial Law, hindi ito nangangahulugan ng pagkawalang-bisa ng ating Konstitusyon. Mananatiling susundin at kikilalanin ng Bansa ang mga nakasaad sa Constitution. Mananatiling gumagana at kikilalanin ang mga patakaran ng ibang Branches ng Gobyerno. 

Section 18: A State of martial law does not suspend the operation of the constitution, nor supplant the functioning of the civil courts or legislative assemblies, nor authorize the conferment of jurisdiction on military courts and agencies over civilian where civil courts are able to function, nor automatically suspend the privilege of the writ of habeas corpus.


Ang panibagong binabalak ng ating Pangulong Pagdedeklara ng Martial Law, para sa akin ay hindi kinakailangang mayroong Invasion or Rebellion. Ito ay paghahanda lamang sa posibleng pagkakaroon ng kaguluhan. 

Kung ating iisipin at kung ating matatandaan, idineklara ng Pangulong Duterte na isang Rebelde ang CPP-NPA na pinamumunuan ni Joma Sison. Kung ating iisipin, ano ba ang mandate ng CPP-NPA?

Sa Pangalan palang, "Communist" or komunista na. Ibig sabihin, isa itong grupo na kumakalaban sa Gobyerno. 

KUNG SAKALI MANG Makapag-desisyon ang Kongreso na payagan ang Pagpapalawig ng Martial Law, It is the duty of the Judicial Agency to evaluate the declaration of Martial Law.

















Comments

Popular posts from this blog

Ways to Correct Errors in Birth Certificate

Time for Staycation: A Time To Pamper Ourselves after Long Days of Working.

COMIDA CRAVINGS FOOD SHOP