Isang Liham Kasagutan Kay Atty. Irene Mae B. Alcobilla
Dear Atty. Mae B. Alcobilla, Isang magandang umaga sa iyo. Bago pala ang lahat, Congratulations sa pagkakapasa mo sa pagiging isang ganap na abogado. Noong ipinanganak tayo, siguro naman po ay alam ninyong iba ang inyong mga magulang sa aking mga magulang. Tinuruan ka ng iyong mga magulang sa paraang tama ayon sa kanilang paniniwala, gayundin naman ang aking mga magulang. Sa simula palang, alam mo ng magkaiba tayo. Sa Simula palang alam mo ng may magkaiba ang turo sa atin ng ating mga magulang. Hindi mo maaaring diktahan ang sino man at ipares sa iyong paniniwala. May kanya-kanya tayong paniniwala and we never know kung sino ang nasa katwiran. Kung ibalik ko sayo ang iyong sinabi, "Huwag mong ituloy ang pag-aabogado kung mananatili kang sarado sa pagbabago". We never know until this very moment kung tama ba o mali ang pagkakaluklok natin sa ating kasalukuyang Presidente. Nang inilabas ang IMPUNITY rating sa BANSA, naisip mo ba na ang pagkakaroon ng MATA...