Isang Liham Kasagutan Kay Atty. Irene Mae B. Alcobilla

Dear Atty. Mae B. Alcobilla,


Isang magandang umaga sa iyo.

Bago pala ang lahat, Congratulations sa pagkakapasa mo sa pagiging isang ganap na abogado. 

Noong ipinanganak tayo, siguro naman po ay alam ninyong iba ang inyong mga magulang sa aking mga magulang. Tinuruan ka ng iyong mga magulang sa paraang tama ayon sa kanilang paniniwala, gayundin naman ang aking mga magulang.

Sa simula palang, alam mo ng magkaiba tayo. Sa Simula palang alam mo ng may magkaiba ang turo sa atin ng ating mga magulang.

Hindi mo maaaring diktahan ang sino man at ipares sa iyong paniniwala. May kanya-kanya tayong paniniwala and we never know kung sino ang nasa katwiran.

Kung ibalik ko sayo ang iyong sinabi, "Huwag mong ituloy ang pag-aabogado kung mananatili kang sarado sa pagbabago".

We never know until this very moment kung tama ba o mali ang pagkakaluklok natin sa ating kasalukuyang Presidente.

Nang inilabas ang IMPUNITY rating sa BANSA, naisip mo ba na ang pagkakaroon ng MATAAS na IMPUNITY RATING ay dahil sa:

1. Hindi napaparusahan ang mga Kriminal kaya patuloy sila sa paggawa ng kasamaan.
2. Hindi napaparusahan dahil naniniwala ang mga Kriminal na walang pangil ang Batas.
3. Patuloy ang korupsyon dahil hindi napaparusahan at nahuhuli ang mga may sala?
4. Mahina ang Justice system natin para masupil at mahuli ang mga makasalanan.

Nangyari ang Pagtaas ng IMPUNITY noong 2012 - 2014. Ibig sabihin, malaya ang mga kriminal. Full tolerance ang ating batas dahil hindi nila masawata ang mga mapaghasik ng karahasan. Ang Tanim-Bala ay hindi nalutas, pero 1 buwan pagkatapos maluklok ng Pangulo, nawala ang Tanim-Bala.

Noong First Year ako sa Law School, may isang ka-opisina ko ang nakausap ko sa mga bagay-bagay. Sabi ko, "Ang hirap naman ng mga subjects pala sa law, lalo na yung Constitutional Law tapos yung Criminal Law bumagsak ako dahil bakit parang ang ipinagtatanggol ay mga kriminal. Parang ginagawan ng batas na mapawalang-sala ang mga Kriminal".

Malinaw naman ang batas.

Sumagot ang aking ka-opisina, "Ay nako, malamang babagsak ka talaga dahil bagama't tama o may punto ang iyong mga sinasabi. Ang pagiging idealist mo ay hindi makakatulong. Yan yung magpapabagsak sayo talaga dahil nga kapag naging abogado ka na at nasa aktwal na trabaho ay kakainin ka na ng SISTEMA".

After Two semester, tumigil ako sa pag-aabogasya.

Isa lang ang sasabihin ko rin sayo at nawa ay makatulong.

"HUWAG KA NG MAG-ABOGADO KUNG SA IYONG PAGLILINGKOD AT PAGTUPAD SA IYONG TUNGKULIN BILANG ABOGADO AY KAKAININ KA NG MAKALUMANG SISTEMA MAKALIPAS LANG ANG ILANG TAON".



Gumagalang,
Vincent

Comments

Popular posts from this blog

Ways to Correct Errors in Birth Certificate

Time for Staycation: A Time To Pamper Ourselves after Long Days of Working.

COMIDA CRAVINGS FOOD SHOP