GRAB STATEMENT OF ACCOUNT CLARIFICATION

Good Morning po mga Ka-GRAB,

Mayroon lang akong katanungan sa inyo and I hope somebody could explain.

Ang nakikita ninyo ay ang tatlong proseso upang makita at malaman ang kita at incentives ng ating mga driver.

Ito ay halimbawa lamang po:


Cover Week:  October 2 - 8, 2017


Ito po ang laman na makikita sa Grabpassbook. October 2 - 8 ang cover period. Makikita po sa  "GRABPAY REMITTANCE" ang halagang P2,902. 

Ito naman po ang sa FLEET MANAGEMENT PORTAL.

The same din po ang cover period Oct 2 - 8.

Makikita sa Grabpay P2,702. Hindi po sya match sa Grabpay remittance na nakalagay sa Itaas na nasa Grabpassbook dashboard.


Parehong GRABPAY po yun, ibig sabihin po, ito yung bayad sa pamasahe ng mga pasahero/riders na gumamit ng Credit Card kaya diretso sa GCASH ang remittance nun.

1. Bakit kaya hindi sila Match? 

2. Magkano yung totoong amount na pumasok sa GCASH.


Kasi halimbawa ang nakalagay sa Remittance is P2,902, syempre ine-expect ng Driver na P2,902 nga ang pumasok sa GCASH. Pero ang tanong totoo bang P2902 ang pumasok sa GCASH or P2,702 lang. 

3. Tuwing kailan po ba pumapasok ang Remittance ng Incenctives? Late po ba ng isang linggo? at tuwing kailan naman naa-update ang dashboard.

Comments

Popular posts from this blog

Ways to Correct Errors in Birth Certificate

Time for Staycation: A Time To Pamper Ourselves after Long Days of Working.

COMIDA CRAVINGS FOOD SHOP