Ekesena sa FM Station

Kagabi habang pauwi ako mula sa Quezon City papunta sa bahay ng ate ko upang dalhin ang letse flan na order nya.


Natapat ang FM sa isang istasyon. It's a love story. Nakalimutan ko na names eh ahaha..



The story goes this line.

Iniwan ni Janine ang kanyang boyfriend na si Heren para sumama sa bago niyang boyfriend. Dahil sa sakit na naramdaman ni Heren. Dahil sa labis na pagmamahal nya kay Janine, nabaling ang kanyang atensiyon sa isang kaibigan na alam na alam niyang may gusto ito sa kanya.

Heren: Ellaine, maari ba kitang makausap.

Ellaine: Huh, para saan Heren. Nagpaalam ka ba kay Janine. Ayaw kong may masabi sya sakin at sa atin huh. Siguro next time, isama mo siya at kumain tayo sa labas ng makilala ko rin ng husto si Janine.

Dahil may gusto si Ellaine kay Heren, patuloy na nagkikita ng palihim ang dalawa. Makalipas ang ilang buwang madalas na pagkikita.

Heren: Ellaine, hindi ko na kaya. Tatapatin na kita. Mahal kita. At gusto kong malaman kung mahal mo rin ba ako. Wala na kami ni Janine. Kaya malaya tayong nagkikita dahil wala na kami at ikaw na ang mahal ko. Kapag napasagot kita ngayon. Ibibigay ko sayo ang buong pagmamahal ko sayo.

Ellaine: Heren, alam kong puso mo lang ang maari kong makuha pero hindi ang buong ikaw. OO, mahal kita pero hindi ibig sabihin nito ay magpapadalos-dalos ako sa pagdedesisyon kung sasagutin ba kita o hindi.

Lumipas pa ang ilang araw at mga linggo.

Ellaine: Heren, gusto kong malaman mo na sinasagot na kita. Mahal na Mahal kita at alam mo yan noon pa man.

Heren: Talaga Ellaine. Salamat. Hindi kamagsisisi at ibibigay ko sayo ang buong pagmamahal ko. Panagako yan. Mahal na mahal din kita. (Biglang nag-ring ang cell phone ni Heren).

Ellaine: Hello, sino po sila.

Caller: Ana po ito. ikaw ba Andyan ba si Edward (Caller is crying)

Ellaine: Mahal ko, Ana daw hinahanap Edward. (Iniabot ang cellphone)

Heren: Hello, sino sila at sino ang hinahanap mo.

Caller: Heren, narinig ko ang tawag sayo ni Ellaine. Kayo na ba? (Umiiyak ito)

Heren: Ah. sino ka Ms. wala akong kilalang Ana at Edward. Namali po ata kayo ng tinawagan. At bakit ka umiiyak? Anong problema.. (Lumayo ng kaunti si Heren kay Ellaine upang hindi marinig)

Caller: Heren. Tulungan mo ako. Sinasaktan ako ng boyfriend ko. Gusto ko na ring iwan siya kaso hindi ko magawa dahil wala rin akong pera sa ngayon dahil wala akong trabaho. Tulungan mo ako please.

Heren: Ms. Pasensya na pero wala akong dahilan para tulungan ka. Wala ako sa lugar at posisyon dahil hindi kita kilala. Papano kung niloloko mo lang ako. Salamat. Bye na sayo.

Naulit ang tawag ng babae noong nakauwi na si Heren sa kanila. Walang kaalam-alam si Ellaine na ang tumawag key Heren ay ang ex nito na si Janine.

Dahil mahal ni Heren si Janine, madalas magkita ang dalawa ng palihim.  Until one day. Habang nasa Park sila Ellaine at Heren.

Ellaine: Mahal, bakit sa tuwing nag-de-date tayo ay laging nandun di si Janine. Di ba wala na kayo? Bakit laging nakabuntot sayo yang babaeng yan.Parang nananadya eh.

Heren: OO Mahal, hayaan mo na yan. Hindi naman tayo ginugulo eh saka tapos na naman ang lahat sa amin eh.

Ilang araw at linggo ang lumipas.

Ellaine: Heren, masakit pero kailangang putulin na natin ang ating relasyon.  Hindi ko na kaya.

Heren: Ellaine, ano bang pinagsasabi mo. Magkasama tayo. Ipinapakita ko naman na Mahal kita. Ano bang kulang. Me bago bang nanliligaw sayo? Mahal mo ba huh at ganyan ka kung makipag hiwalay.

Ellaine: Huwag mong baligtarin ang sitwasyon Heren. Noon sinabi ko sayo, hindi ang buo mong pagkatao ang mapapasakinkapag sinagot kita. Kaya nagdalawang-isip ako kung sasagutin ba kita o hindi. Dahil ayokong masyadong akong maging attached sayo na hindi ko na kayang layuan ka.

Mahal na mahal na mahal kita Heren kaya nagbingi-bingihan  ako at nagbulag-bulagan. Inisip ko nalang ang mga masasayang araw natin at inisip ko nalang na mawawala rin ang pagseselos kong ito. Baka sakali ang pagiging martir ko ang mag-uutos sa puso mo na huwag akong limutin.

Baka sa katangahan ko, ma-realize mo ang pagiging loyal ko at tapat sayo. Pero hindi eh. Talaga palang bato ang puso mo, talaga palang manhid ka.

Matagal ko ng alam na nagkikita kayo ni Janine. Matagal ko ng alam ang komunikasyon ninyo. Matagal ko ng alam ang pagkikita ninyo. Nag-umpisa akong nakaramdam noong magsimula kang magbago. Mula sa isang ordinaryong tawag, naramdaman kong naging balisa ka at hindi mapakali. Kinutuban ako noong una at inisip ko si Janine ang tumawag.

Isang araw, sa sinundan ko kayo. at doon ko nakumpirma ang ugnayan ninyo.

Kaya salamat sa lahat. Salamat sa kaunting panahon ng pagmamahal mo. Kahit ginawa mo akong Panakip-butas mahal na mahal na mahal pa rin kita Heren.

Kung dumating man yung panahong muling mag-krusang ating mga landas. Andito lang ako at maghihintay. Tatanggapin kitang muli at hihintayin. Paalam Mahal ko.

Umalis si Ellaine na umiiyak at mabigat ang loob.


Comments

Popular posts from this blog

Ways to Correct Errors in Birth Certificate

Time for Staycation: A Time To Pamper Ourselves after Long Days of Working.

COMIDA CRAVINGS FOOD SHOP