The Four Corners of Kian's Death

Nang mapatay ang 17 years old Senior High School student na si KIAN LOYD DELOS SANTOS, unang umugong ang balitang INOSENTE ito sa pagiging konektado sa DRUG Business.

Inungkat maging ang CCTV Video footage upang malaman ang totoong pangyayari. Kasabay ng paglabas ng CCTV Footage, lumabas din ang balitang planted ang ginawang raid at pilit siyang pinahawak ng baril upang sabihing nanlaban ang biktima na kanyang ikinamatay.

Sa umpisa, madami ang nakisimpatya sa pagkamatay ni Kian. Labis ang hinagpis ng kanyang Ina at Ama.

Nakiramay din si Sen. Risa Hontiveros at Vice President Leni Robredo.

Ilang araw naglabas ang PNP ng mga ebidensya na runner daw ng drugs si Kian. Ang kanyang ama at tiyuhin nito ang mga siga daw sa kanilang lugar at kilalang konektado sa droga.

Naglabas din kanyang saloobin ang City Prosecutor na si Canete na hindi naman daw talaga 100% innocent si Kian. Sinasabi din ni Canete na mababasa ang mga transaksyon ni Kian na konektado sa pagiging runner nito.

Isa pang testigo ang lumabas upang patotohanang si Kian nga ang ginawang runner ng kanya mismong ama at tiyuhin.

Dalawang Video ang lumabas na kakikitaan ng magkaibang kasuotan ng biktima. Kung planted nga yung ginawang pagkaka-raid, bakit magkaiba ang suot na short ng sinasabing si Kian. As per my own opinion and understanding, kung sana sa 2 Video na lumabas, iisa ang kasuotan, pwedeng sabihing planted nga kasi maririning sa video na  pinapahawakan sya ng baril.

In this case, there are 2  videos na magkaiba. Maaaring ang isang video ay hindi si Kian. Hindi si Kian yung sinabihang hawakan ang baril.

Sa Unang pagsasalita naman ni PNP Chief Bato Dela Rosa, una siyang humingi ng sorry dahil sa maling tao at biktima nga si Kian. Nauna nang sinabi ni PNP Chief na Isolated Case daw ang pagkakapatay kay Kian. Ang aking punto naman dito, why say sorry kung tama naman pala ang nangyaring pag-raid, ang pagkakamali at mali lang ay ang patayin ang bata.

At the end of the day, this case needs further investigation. Kailangang panagutan ng mga alagad ng batas ang kanilang nagawang pagkakapatay sa biktima kung napatunayang or mapatunayang hindi naman ito nanlaban.

Kung runner lang naman ang biktima, siguro kailangan lang nya ng guidance, kailangan lang nya ng kaliwanagan ng isip. Hindi siya dapat namatay. Kaya ang kanyang pagkamatay ay nangangailangan ng masusing imbestigasyon.

Ang huling mensahe ko is this:
Bakit hihintayin pa nating may ibang madamay na inosente. At the end of the day, katulad ng nangyari kay Kian, kung sana sumuko na ang kanyang ama at tiyuhin or kung sana may nagsumbong na ng katotohanan. Kung sana nakipagtulungan na ang mga nakaka-alam, maaaring buhay pa sana ang biktima.











Comments

Popular posts from this blog

Ways to Correct Errors in Birth Certificate

Time for Staycation: A Time To Pamper Ourselves after Long Days of Working.

COMIDA CRAVINGS FOOD SHOP