Undiscovered Story: The Untold Story of a Lost Man

My life did not start as a pure bliss and I can say that I do not have a wonderful childhood. 

Since from the very beginning of my school day, it went hard for me to go to school and play with my classmates because of my physical condition. 

I was born as blue baby and doctors said that I suffered Multiple Congenital Anomalies; some say it's Poliomyelitis. 

Every morning, my father needs to bring me first to school before going to his work. He also picks me up during lunch time and brings me back to school for the afternoon class session. 

My Mom is an Elementary Public School teacher and was assigned to a school where I am enrolled. She needs to pick me up from my room and bring me to Canteen Area or to her classroom during the recess period. 

I just started to use crutches when I was in my third-grade year. Prior to that, I used to hold back from my Mother's back and walk slowly with her when she picks me. It was not really easy and convenient for me so the succeeding years, instead of picking me, she used to deliver food during recess time.

There are times that I need to urinate or to poof, but I have no option kundi tiisin and maghintay ng sundo. 

There is one instance during my childhood days na nakaihi ako sa aking salawal when I was in a class. Para makaiwas sa pagkapahiya, umuwi ako mula sa room papuntang bahay nang gumagapang. May kalayuan din ang aming bahay sa paaralan na aking pinapasukan. When I get home, gasgas ang aking kamao at tuhod, pudpod ang aking mga kuko sa paa.  

As a growin kid, I don't want to feel the burden ng pagiging pilay, as much as I can, gusto kong mamuhay at lumaki ng normal. Gusto kong kumilos katulad ng mga normal na bata. 

To do it, nakikipaglaro sa aking mga kamag-aral at mga kababata at kapitbahay. Baril-Barilan, Bahay-bahayan, taguan, at maging takbuhan ay aking sinasalihan. 

I grew up with this kind of personality. Gusto kong maging strong, gusto kong ipakita na hindi hadlang ang pagkakaroon ng kapansanan sa mga bagay na gusto kong marating sa buhay.

Because of this strenght and courage, sa aming magkakapatid, ako ang unang nagpa-akyat ng entablado sa aking mga  magulang. Probably because wala naman akong masyadong childhood activity than to study my lesson.

Year 1989, when we tasted rock bottom. My father lost his job and my mom was the only one who supports our daily needs.

I'm an Elementary graduating student then and our eldest sister is also a graduating High School. I have my twin sister who is very young at that time.

We suffered total lost to the point that we do not have any centavo to buy foods for our daily needs. Lumaki ang mga utang ng aking mga magulang sa mga kapatid, kamag-anak at mga kakilala nito.

Upang makaluwag, kinupkop ng aking lola at mga tita ang aming nakakatatandang kapatid at ang nakababatang kapatid.

We really don't know what is happening to them, but they are in good hands. Nagpatuloy kami sa aming pag-aaral and bilang nakaugalian ng mga kabataan noon sa amin, umaangkat ng panindang pandesal ang aking nakababatang kapatid upang itinda at magbahay-bahay sa nasasakupang lugar at his very young age.

But our life becomes more and more terrible. Until one day, my parents decided na  magpunta kami ng aking nakababatang kapatid kasama ang aming tatay sa Nueva Ecija.

Naiwan ang kambal kong kapatid sa aking Ina sa Aurora, samantalang nasa Maynila naman ang aking ate sa bahay ng aking mga pinsan.

After almost a year, lumuwas ng Maynila ang aking Ina kasama ang kambal kong kapatid upang magpagamot. Doctor said, it was "tipus".

That moment, my decided to request for her transfer from Aurora to Nueva Ecija. Transferring from one place to another especially in a government is not that easy. He salary was cut-down and wala siyang salary for the past 6 months or more while her papers and documents are in transit from one district office to another.

Tumira kami kasama ang aking Lola from my father's side. May puwesto ito sa palengke at araw-araw itong nagtitinda doon. Lucky enough kung may maiuwi itong 20 pesos sa loob ng maghapon. Tumulong kami sa palengke, dinagdagan namin ang kanyang mga paninda ng mga tinapay, ng cokes and other drinks. But was not enough.

Namatay ang aking lola and so nawalan na kami ng lakas ng loob na magpatuloy pa sa pagtitinda sa palengke.

There's a guy sa palengke ang nagbigay ng intensyon na bilhin or siya na ang uupa sa maliit na lugar sa palengke upang makapagtinda ito ng mga tuyo or salted fish.

Kinalaunan, kinuha nya ang aking kapatid na lalake na maging kasama sa pagtitinda and every afternoon, may dala ng ilang pirasong tuyo ang aking kapatid.

We we're both an achiever in school. Kapag pumapasok kami sa school, bina-bike namin ito. My younger brother drives for us.

Nagpatuloy pa ng ilang buwan ang sitwasyon namin. Nagka-utang-utang ang aking mga magulang sa mga kapitbahay, at mga kakilala. To the point na laman na ng barangay ang aking mga magulang dahil sa mga reklamo sa hindi pagbabayad ng utang.

Nagkaroon ako ng allergy dahil sa alat and we all getting thinner and thinner dahil hindi na kami nakakain ng 3 beses sa isang araw. Mostly lugaw and tuyo or mantika o di kaya ay asin.

I wanted to help my parents but I am just an ordinary young man with no power, with no connections. Until one day, I decided to write a letter upang makahingi ng tulong sa Mayor, Vice Mayor, Congressmen, Senators, President and Vice President. Humingi rin ako ng tulong sa aming Kura-Paroko, sa DSWD and I also wrote the US President Bill Clinton. All I received was 500 pesos from DSWD and it was a one-time support from them. (Hindi ito alam ng aking pamilya as of this writing).

And here it goes, we are about to graduate in 1999. We all know that our parents could not afford to send us in College and so when they talked to us, it seems that it was just a confirmation. We agreed in the first place and sabi ko I will stop for awhile and hintayin ko ang aking kapatid na mag-kolehiyo at sabay kaming mag-aaral.

But my eagerness to finish college didn't stop here. Nagpasama ako sa aking Nanay na magtungo ng Maynila upang kumuha ng Entrance Exam at dumiretso na rin sa CHED upang mag-apply ng Scholarship.

Luckily during my Graduation, nakatanggap ako ng letter from PUP that I passed the Entrance.

Dahil sa aking kalagayan, nagpalipa't-lipat kami g bahay na malapit at walking distance lang sa PUP. I ended up na mangupahan sa isang bahay sa riles ng tren.  I spent my remaining 2 years sa bahay sa Riles ng Tren.

Dahil nakatanim sa isip ko ang makatapos at nakatatak sa puso ko ang nagsusumidhing magtgumpay para sa aking pamilya,apat na taon akong bahay-pup lang ang aking lungga. I never join my classmates sa kanilang mga gala at mga swimming activities.

Habang nasa kolehiyo ako ay ginawa ko ang lahat upang kahit papano ay magkaroon ako ng kaunting allowance. Nagtrabaho ako bilang Telemarketer na malapit lamang sa aming Paaralan. During break time at long hours of waiting for my next subject, instead na magbulakbol at magpunta sa Mall na medyo malapit, ako ay nagtrabaho.


That is my award sa kumpanyang pinagtrabahuan ko when I was a working student.

Lahat ng mga Institutionally Initiated contest, lahat halos sinalihan ko para lang magkaroon ako ng extra money for my own allowance.

Minsan madalas akong sumali sa mga patimpalak sa pagsulat. Hindi naman ako nagkamali. Palaging ako ang champion sa pagsulat ng sanaysay.

Before graduation, walang nagbago sa aking pagsusumikap makatapos ng pag-aaral at tila nag uumapaw pa rin ang aking pangarap para sa aking pamilya.

Before graduation, during the University's Centennial Celebration, I and my groupmates won a BEST Thesis AWARD and during Our Graduation, kami ang nag represent ng aming college sa pagkakaroon ng Best in Thesis.


Tila naging mabuti sa akin ang pagkakataon at panahon, inimbitahan ako ng Philippine Daily Inquirer noong 2005 upang ma-featured sa isa kanilang mga segment. This segment will discuss how I survived in my career.


Hindi nagtapos ang taon ay naimbitahan ako ng DZRH upang maging bahagi ng kanilang programa. Unang isinadula ang aking kapalaran sa loob ng isang linggo at ang pinaka-huling araw ay ang live appearance ko sa istasyon.

Masaya sa pakiramdam yung mga bagay na katulad nito. Nakapagbibigay ako ng inspirasyon sa mga nagbabasa, sa mga nakikinig at sa mga nakakakilala sa akin.

One month after graduation, bigo akong makahanap ng trabaho dahil sa aking kalagayan, some of the companies na pinag-aplayan ko ay diskriminasyon ang dahilan kaya hindi ako matanggap.

One night, while on the verge of giving-up, nakikinig ako sa radyo at doon napakinggan ko ang isang bahagi ng batas na nagbibigay ng priviledge sa mga PWD na makapagtrabaho sa Gobyerno at sa pang-pribadong opisina.

Una akong nagtrabho sa National Labor Relations Commission bilang emergency staff and I stayed there for 1 year. Dahil sa status ko, mababa lamang ang aking naging basic pay. Siguro nasa 6,000 a month (Year 2014).

Lumipat ako sa iba't-ibang kumpanya at sa bawat kumpanyang aking nililipatan, doble ang taas ng aking sahod.

Nagsulat ako ng libro bilang kontribusyon ko sa Unibersidad kung saan tumagal ako ng almost 6 years.


Naging speaker ako sa iba't ibang events at sa iba't ibang universidad upang magbigay ng kaunting mga kaalaman hinggil sa aking career at sa kursong aking kinuha noong nag-aaral pa ako



Year 2013, after almost 10 years of my career, dito .natanggap ang humigit-kumulang na 35,000 thousand pesos a month plus other fringe benefits.

Kahit papanoo, nakakapagpadala na ako sa aking mga magulang, nakakatulong sa aking mga kapatid, sa aking mga kaibigan, maging sa kakaumpisa ko lang makilala ay nakapagpapa-utang ako.

Sa akin, masaya ako habang nakakatulong.

Dumating yung panahon na kumikita na ako ng higit sa isandaang-libong piso kada buwan.

Dito dumami ang aking mga Credit Cards na naglalakihan ang mga credit limits.

Nakabili ako ng bahay.


Nakabili rin ako ng mga Sasakyan...




Nakatulong din ako sa pagpapagawa ng bahay ng aking mga magulang.

Nakapagpatayo ng sariling kumpanya.

Nakarating sa Singapore at Malaysia,

Nakasama sa iba'ibang adventure kasama ang mga barkada,

Sa mga bagay na aking naabot, hindi ko lubos maisip na sa isang iglap maglalaho ang lahat.


Comments

Popular posts from this blog

Ways to Correct Errors in Birth Certificate

Time for Staycation: A Time To Pamper Ourselves after Long Days of Working.

COMIDA CRAVINGS FOOD SHOP