UBER/GRAB: A Nightmare to Public Transportation

Dear Fellow Citizen,

Once you read, please share po sana so everyone is aware of. 

Una ko pong tatalakayin yung nakapaloob sa batas or mandatong sinusunod ng LTFRB.




"The Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) is the agency created by virtue of Exec. Order No. 202, series of 1987, under the Department of Transportation and Communications (DOTC), which handles the issuance of authority to any entity (corporate or individual) wishing to engage in public land-based transportation service"


Sa nabanggit na talata sa itaas, malinaw po na ang kanilang mandato ay mag-facilitate ng mga kumpanya na gustong mag-operate or ma-engage sa TRANSPORTATION business.

batid po ng lahat na ang ginagawa ng  LTFRB is para daw maisayos ang accreditation ng UBER at GRAB Operator kasi kapag daw nagka problema ang mga operator, walang security ang ito kasi hindi daw malinaw ang magiging papel ng UBER TECHNOLOGIES at MY TAXI(GRAB) sa ganitong sitwasyon, baka ipa-shoulder sa operator kung nagkaroon ng problema habang bumibiyahe ito. 

Tama po sila sa ganitong layunin at reasoning, para po ma-protektahan ang mga operator in case of inconveniences, baka in the end sasabihin ni UBER/Grab, we don't care, what we gave them is just an accreditation na magamit ang system namin and all responsibilities was still yours.

Bakit hindi nalang nila tulungan at i-advise ang GRAB/UBER as to the process of accreditation.



"World-class land transportation services contributing to the over-all development of the country, improvement of the socio-economic status of its stakeholders, and promotion of the welfare of the general publ"


The above phrase is the Vision of the Department. They should provide a World-class land transportation na magiging isang daan para sa development ng isang bansa at ano mang dulot ng pagbabagong ito.

Kung noon, mga kalesa ang isa sa mga transportasyon, unti-unti itong nag-improve hanggang nagkaroon ng mga jeep, motor, taxi, bus, etc.

From Manual to Digital trend ang ating technology sa ngayon. 

Bakit po hinihigpitan ang accrediation ng mga ito gayong tumutugma naman ang sistemang ito sa tinatawag na Wold class land transportation?


"Ensure that the commuting public has adequate, safe, convenient, environment-friendly and dependable public land transportation services at reasonable rates through the implementation of landbased transportation policies, programs, and projects responsive to an investment-led and demand-driven industry"


I will rather expound this Mission by discussing my actual experience in the past and the current state of public transportation.

Hindi po ako nakakalakad at nakasaklay ako since grade 3. 

1999 noong una akong mag-travel sa Manila. 

Wala akong alam sa mga lugar-lugar, kaya noong magpunta ako sa Manila diretso ako sa PUP upang mag apply ng ENTRANCE EXAM. 

After that inobserbahan ko na ang mga lugar or transportation ko just in case, in the end, malapit sa PUP ang tinirhan kong bahay para iwas sa pagsakay ng jeep at bus, or tricycle. 

Hindi ko napuntahan ang SM hanggang maka abot ako ng 4rth year. 

Nag-tricycle ako one-time kasi kailangan, it costs me 40 pesos.

Nakagraduate ako at ang pag-aapply ng job is not easy. 

Apat kami ng BESTFRIEND kong lumalabas upang mag-apply ng trabaho. TAXI ang mode of transportation namin at hati-hati kami sa pagbabayad. The cost of taxi is roughly P100+ one-way. Since we need to find a job, madalas kaming umalis ng bahay together, almost sa isang linggo sa bahay na kami natutulog kasi nga maaga kami umaalis ng ahay to attend the interview. P1000 per week is not enough.

We tried one-time na mag jeep and sobrang hirap po at ako po ang naaawa sa bestfriend ko dahil sa kanyang pag-alalay sa akin sa pagsakay at pagbaba ng jeep. Ako po yung nahihiya na sa kanya dahil pinagpapawisan na po siya sa pag-alalay sakin to the point na may interview siya sa kumpaya. Huggard na siya kung sakali.

Nagkatrabaho silang lahat at ako ay naiwan. Walang pera, walang lakas ng loob sumakay ng jeep at taxi. 

In the end, sabi ko nalang sa sarili ko, "THINK POSITIVE, KAYA KO YAN"

Unang mga linggo at buwan, taxi ang aking naging transport mode kapag aattend ng interview.


Ito po ang aking mga karanasan sa taxi:

1. Nagpapadagdag ng pasahe.

2. Binababa ka sa isang lugar na hindi ka familiar kasi hindi ka pumayag na metro ang gagamitin. This happens po noong nag-aapply ako. Sabi sakin ng driver magdagdag daw ako ng 50 pesos. Sabi ko wala po akong sapat na pera. Sabi sakin magtataxi ka wala ka naman palang pera, sige po ibaba nalang kita sa quiapo,maraming taxi at jeep doon.  Wala akong nagawa kundi bumaba at kinakabaan kasi sa may loob ng parang eskinita niya ako binaba.

3. Diskarte ng Taxi Driver kapag nasa loob ka na ng sasakyan, "Saan po tayo....ay sir, matraffic po doon. Didiskartehan ko nalang po ah para di tayo ma-traffic... nagmamadali ba kayo?... Dagdag nalang po kayo para po pas mapadali tayo sa pupuntahan.

4. Nakasakay ka na taxi, "Sir, magkano po binabayad nyo doon? lagi ba kayong nagtataxi? Pag sinabi mong P100halimbawa, Totoo sir 100 lang, ang mura naman yata. di ba lugi ang driver dun, gas pa tas papano kung walang pasehero pabalik? Dagdagan nyo nalang sir ng 50.

5. Sir sira po metro eh, pwede po kayo na bahala sa akin, yung sapat na pangkain at gasolina ko nalang po. 

6. Sir, saan po kayo punta..... ay pasensya na po sir, napadaan lang ako.. kakain lang kasi ako sana eh akala ko malapit lang kayo kaya huminto ako.

7. Sir, saan po kayo pupunta... ay gagarahe na po ako kasi akala ko same way lang tayo nagbakasakali lang ako kaya ako huminto. 

8. Ako sir, hindi ako namimili ng pasahero ksi alam ko naman na mhirap kalagayan nyo eh. Nabubuwisit ako sa mga driver na ganun eh eh. Kasi alam naman ng pasahero yan eh, me ibang pasahero nga nagbibigay ng tip ng kusa eh. (tamang pahaging para magbigay ka ng tip) , kasi ako nga kahit bente okay lang, yung iba me 50 nga.. katulad ng me nasakay ako, binigyan ako ng 500.

9. Ay sir, pasensya na po hah. flat na pala ako kaya pala hirap mag maniobra, ibaba ko nalang po kayo sa may madaming sakayan.

10. Sir, pa-gas lang ako saglit hah.. tas kunwari iihi lang din muna.. pero naka andar ang metro.

11. idadaan ka sa mga place na pasikot-sikot, sa daan kung saan wala kang idea saan lalabas, at sa place kung saan mag-uumpisa kang matakot kaya kapag sinabi niyang increase fare,hindi ka makatanggi kasi baka dika na makabalik ng safe. 


Way way back 2010, December that time, nagpunta ako sa megamall, wala akong masakayan kaya nilakad ko ang pa-shangri la. 9pm ako pumila... almost 12 na ako nakasakay kasi namimili ang mga taxi sa pila. I almost forgot the taxi name. Noong nakasakay ako sa taxi, sabi ng driver. Magpapasko ngayon sir kaya medyo ingat-ingat kami sa mga pumapara. Pinakita nya yung tubo sa kanyang upuan, self defense daw nya.Noong nakalayo kami, sabi nya sir, baka pwede kayo magdagdag ng 100 kasi pauwi na rin ako, kulang pa ako sa boundary kasi sobrang traffic. Natakot na ako umalma kasi gabing-gabi na at may tubo pang dala.


In 2005, nagtrabaho sa malapit sa UN Avenue, mula sta.mesa. Masyadong traffic na kaya taxi is not the best transport anymore kasi wala ng matitira sa sahod ko.

Mula PNU nilalakad ko lang papuntang UN Avenue, dahil doon ang destination ko. Bus ang sinasakyan ko from Sta.Mesa to Philippine Normal University.

1. Mahirap sumakay sa BUS dahil hindi ka hihintuan ng ilang bus, katulad ng malalaking transport like RRCG at G Liner, kaya madalas kong sakyan yung isang bus kasi madalas akong lampasan ng bus na ito.  - to avoid being late, 6am nasa kalsada na ako at nag-aabang kahit na 8:30 ang pasok ko.

2. Natatagalan akong sumakay ng BUS kasi minsan wala sa harap ang konduktor kaya ako lang sumasakay mag-isa, una kong inaakyat ang saklay ko, then kakapit sa hawakan. Kapag nakita kong wlang hawakan ang bus, hindi ako nasakay. 

3. May bus na sobrang taas ang sampahan kaya di ako sumasakay kapag nakita kong hindi ko kaya.

4. Madalas din akong malaglag sa Bus sa pagbaba ko kasi diko alam ang hahawakan ko ba ang tungkod ko o sa hawakan ako hahawak sa pagbaba, kaya me pagkakataong nakakabitiw ako at diretos subsob sa kalsada. Minsan madumi na ang suot kapag dating sa opisina, pero pasok pa rin ako.

Sa pag-uwi, pagod na ako para maglakad pa mula UN AVENUE pabalik sa PNU, kaya mula UN, inaral ko ang MAg jeep mula UN AVENUE to Quiapo, from Quaipo to Sta.Mesa. 

1. Sa likod ako sumasakay noon kapag nag-aabang ng jeep.

2. Hindi ako pinaparaan ng mga jeep.

3. Ilang beses akong nahuhulog kasi hindi pa ako nakakababa umaabante na ang jeep. Can you imagine, hindi ko pa hawak ang saklay ko, nakakapit palang ako sa hawakan ng jeep tapos aandar na. Madalas akong masubsob noon. I remember buti may isang bumabang lalake na nauna sa akin noon, sakto ako pangalawa, buti nasalo nya ako at buti hindi pa sya nakaka-alis sa gitna kundi nahagip ako ng susunod na jeep. 

4.  Ilang beses akong naholdap sa loob ng Jeep noon kasi nasa bungad lang ako nakaupo. 


Sinubukan kong pag-aralan sumakay sa harap ng Jeep upang nakikita ako ng driver. 

1. Laging puno ang harapang bahagi.

2. Hindi ako sinasakay.

3. Ilang beses akong nahuhulog kasi di pa ako nakakababa ay umaabante na ang mga ito.

4. Meron pang instances na pasakay ka pa lang, sasabihan ka ng driver, bilis bilisan mo mahuhuli na ako..tapos sabay karipas ng takbo. 

5. One time, sa quiapo, 6pm ng gabi, pasakay palang ako ng jeep kumaripas na ang jeep. Sa susunod ka na lang sumakay. Kumukuha ako ng Law at that time, basang basa ako at madumi ang damit ko dahil malakas ang ulan. Dumiretso ako sa room ko ng basa at madumi ang damit. 

6. Tuwing araw ng nazareno, walang jeep, bus nor taxi ang dumadaan sa area. kaya mula UN Avenue, nilalakad ko ang hanggang Sta.Mesa or di kaya ay absent nalang ako.

Yung pagkahulog sa bus, sa jeep ay naging bisyo ko sa since 2004 after my graduation up to my employment. Naging manhid na ang katawan ko sa pagkakadapa at paghulog minsan.

Noong 2007, I got employed sa Sampaloc, Manila. Jeep ang primary transport ko.

1. 6pm or 7pm uwian na kami pero minsan 11pm na ako nakakauwi kasi puno na ang mga sasakyan kapag sa ganong oras, plus madaming kasabayang estudyante na nakikipag-unahan sa pagsakay.

2. Ayaw akong hintuan ng mga jeep.

3. 6 years akong nagtrabaho sa Sampaloc and I witness yung mga holdap. Sumasakay sila sa harapan ng arellano university, nagdeddeclare ng holdup kapag nasa skyway or nasa taas ng tulay. Pagbaba ng tulay, takbo na sila madaming place na matatakbuan na mula noon so useless na habulin.


Four(4) years ago, when GRAB/UBER entered in.  I experienced a lot of conveniences.

1. Susunduin ako sa mismong pick-up point at ihahatid ako sa tamang destination.

2. Fixed fare and bawal ang tip.

3. Hindi ka papapikut-ikutin sa mga lugar na unfamiliar kasi they are not a driver kaya they just following WAZE.

4. Safety and convenience is achieved.

5. Cheaper fare rate for uber pool or grabshare. - cheaper than taxi.

6. Comfortable travel kasi mabango at malakas aircon ng sasakyan. 

7. Hindi ka male-late basta umalis ka ng maaga or tantyahin mo ang oras, hindi ka mag woworry kung traffic kasi fixed rate na. 

8. hindi sila namimili ng pasahero.

9. Bawal ang mag-cancel or else me parusa.

Sa makatuwid, Nilalabag ng LTFRB ang kanilang mandato. 

Ensure that the commuting public has adequate, safe, convenient, environment-friendly and dependable public land transportation services at reasonable rates through the implementation of landbased transportation policies, programs, and projects responsive to an investment-led and demand-driven industry.



Pinatigil nila ang operasyon ng UBER, na alam nating it will and is providing the most adequate, safe, convenient, environment-friend and dependable public land tarnsportation at reasonable rates. Dyan palang sa kanilang nakasaad na mission, they are violating the public. 


nagngingitngit ako sa sinabi ni Atty. Delgra sa kanyang interview with MR. Razon, Sabi nya ASSERT daw.

Sa mga barumbado, sa mga nakakatakot na driver ng taxi, maaari mo banf i-assert ang iyong rights?

Pwede mo bang gawing basta nalang sumakay? 

You are not even sure yung me pamalo ang driver? 

You are not even sure if the driver is nakainom or naka-drugs? 

You are not even sure kung pagsakay mo hindi ka niya ibaba sa maling babaan or bigla ka na lang ibaba?


Ang sarap pong mag-mura at isigaw ang P.U.T.A.....


More details.....click here >>>>  https://www.youtube.com/watch?v=mjiRvBTUQkg






Comments

Popular posts from this blog

Ways to Correct Errors in Birth Certificate

Time for Staycation: A Time To Pamper Ourselves after Long Days of Working.

COMIDA CRAVINGS FOOD SHOP