Mga Hugot ng Mahihirap




Do you want to be seen on National Television?

Ang telebisyon kasi ay naghahanap ng something that is different, yung tinatawag nilang SCOOP. Doon kasi sila kumikita.

Ganon din naman ang mga pahayagan or dyaryo, maging ang mga Radyo ay kumikita sa mga scoop or magagandang balita, mga kaiga-igayang mga pangyayari sa buhay ng isang tao.

Kung ang buhay mo ay mahirap, walang makain at umaasa sa mga ibinibigay na tulong. Yung gustong magtrabaho pero hindi matanggap-tanggap. Yung may lakas pa ng katawan at may maayos naman na pag-iisip subalit walang pagsisikap at panay panalangin or dasal ngunit walang gawa or ginagawang hakbang, sa tingin mo ba maipapalabas ka sa telebisyon?

Ang tao kasi, o tayo kasi ay nasanay na sa mga tinatawag na ALIBI or PALUSOT?

Maghanap ka ng Trabaho - Papano ako maghahanap eh hindi ako nakapag-aral?

Gusto mo ba ng Business - Papano ako magbi-business eh wala akong ni singkong duling na puhunan? (Pero me cellphone naman).

Pwede ka rito - Papanong pwede eh taga-probinsya ako, meron ba yan dito?

Kesyo mahirap lang, kesyo walang alam sa computer, kesyo walang puhunan, kesyo... kesyo.. kesyo...

Minsan ba tinanong mo ang sarili mo kung may ginawa kang hakbang?

Minsan ba tinanong mo ang sarili mo kung sinubukan mong gawin ang isang bagay bago ka nagreklamo?

O baka wala kang ginawa kundi ang magdasal sa Panginoon, pero wala kang ginagawang aksyon, panay dasal lang?

O baka dimo naiisip ang kasabihang, " Nasa Diyos ang Awa, Nasa Tao ang Gawa". Kahit araw-arawin mo ang pagluhod sa altar at pananalangin kung dika magsisikap na gumawa ng paraan, mananatili kang ganyan.

Isa pa, may mga mahihirap na nagbabasa ng kwento ng isang pagtatatgumpay, sasabihin, "Eh sila yun, me mga kamag-anak silang nahihiraman. Me mga nagpapa-utang sa kanila". Tinanong mo ba ang sarili mo kung bakit dika pina-pautang? Marahil hindi nila nakikita ang pagsisikap mo, papano ka nila mapapautang kung alam nilang hindi mo naman mapapaikot ang perang ipapautang sayo.

Ang iba pa sasabihing, Eh me bahay at kakilala sa Maynila yan, saka wala akong pamasahe pa-manila.  - So ano maghihintay kang umulan ng pera?

Subukan mo muna kayang basahin ang aking buhay at kapalaran baka sakali masabi mo sa sarili mong maswerte ka pa dahil nakakalakad ka. Ako hindi lang ipinag-dasal, nagpunta ako sa mga mga Hospital at pinadala ako ng mga kaibigan ko sa mga magagandang Hospital, dahil sikat ako sa University Noon (Daw.. hahaaa), ay may mga propesor na nagbibigay ng tulong sa akin,, nagbibigay ng allowance, pambili ng saklay, pambili ng libro, pati boarding house ko ay ino-offer sa akin, Dahil kahit ilang beses nila akong makitang madapa, madumihan ay nasa Paaralan pa rin ako at nagsisikap makatapos sa pag-aaral.

Madalas lalo kapag tag-ulan, ay nadudulas ako at pumapasok sa room na maputik, basa ang damit pero sige pa rin ako.

Kaya siguro may mga nag ooffer sa akin ng mga tulong noon.

Read my story first, hope you will be inspired.

Click mo lang ang larawan ko sa ibaba.



Read and be inspired.





Comments

Popular posts from this blog

Ways to Correct Errors in Birth Certificate

Time for Staycation: A Time To Pamper Ourselves after Long Days of Working.

COMIDA CRAVINGS FOOD SHOP